Chapter [70] - "Happy Hearts"

863 34 52
                                    

Hi! Sorry for the late update. This chapter is composed of 20,318 words. Pinaghirapan ko ito itype gamit phone kaya natagalan huhu. This is the longest chapter I wrote so far so I hope this will be worth reading and worth the wait. Kung may typos and wrong grammar sorry huhu. Revise ko na lang sa susunod hehe.

Please enjoy the Final Chapter! We love you all!





Max's POV


"Ano ba 'yan!" Sigaw ko sabay hagis ng hawak kong kawali at spatula sa lababo.


Nakakainis talaga! Huhu. Kung kailan naman mismong event na tsaka magkakaganito!


Paano ba naman kasi habang nag aayos daw kanina sa field ang mga ka-member ko ay natapon ni Jonas iyong deep para sa soft pretzels namin. Eh ako naman itong papunta palang sa school ay hindi na muna nila pinatuloy dahil need ko raw lutuin ang mga deep na nahulog habang nag se-set up pa lang sila doon.


"Ano ba naman yang babae ka! Napaka ingay mo! Ano bang problema dyan?" Saway sa akin ni Ate Brosing na kasama namin sa bahay.


"Eh kasi palpak na naman yung luto ko sa chocolate deep namin!" Sabi ko habang nakangusong hinahampas ang kawaling nasa lababo gamit ang spatulang binato ko rin kanina.


"Jusko kang bata ka, napaka dali lang nyan!" Sabi ni Ate Brosing habang kinukuha ang basket niya sa kusina.


Si Ate Brosing ay nasa mid 30's na. Siya ang bagong kasama namin sa bahay ng mga dalawang buwan na. Siya lang din ang katulong dito na kung makasigaw sa akin akala mo close kami. Medyo feelingera pa dahil laging sinasabi na mas maganda siya sa akin! Napaka feeling!


"Kung sana ay naging kasing galing mo ako edi hindi ka na nahirapan!" Sabi niya na ikinaikot ng mga mata ko. Bitch please! "Napaka daling bagay, ikinabubugnot"


Maka madali naman 'to, kung siya kaya ang gumawa! Kanina pa nga ako dito at hindi ko matapos-teka.


Oo nga. Tama!


Ngumiti ako ng pagkalawak lawak kay Aling Brosing na ngayon ay nakatingin sa akin habang nag iipit ng buhok. Kumunot naman ang noo niya at nag salubong ang dalawang kilay. Tinodo ko pa ang ngiti ko at paulit ulit tinaas ang dalawa kong kilay.


"Ah..." She said before she run away. "Buh-bye!" Sigaw pa nito sa akin ng makalabas sa pinto ng kitchen.


"Ate!" Matining na sigaw ko at hinabol siya palabas ng gate.


"Sige, tumakbo ka! 'Wag ka ng babalik dito! Yari ka sakin!" Sigaw ko sa labas ng bahay.


Humarap siya sa akin at nag belat. Argh!


"Maxine, ano ba ang sinisigaw mo dyan, kay aga aga eh." Sulpot ni Mommy na bihis na bihis ngayon.


"Iyang Brosing na yan sisantehin mo 'yan, Mommy. Naiirita na ako sa kanya! She's so annoying! Fire her!" Sigaw ko pero tinawanan niya lang ako.


"Saan nga pala ang lakad mo? Wala kang pasok?" Nagtatakang tanong ko sa Nanay kong nakaboots pa ngayon.


"Dyan kala Cassandra lang." Sabi niya, pertaining sa Mommy ni Alex. "Sabi kasi ng tita Jolina mo eh mag kita daw kami doon dahil nagmumukmok si Pauline na naman, gosh!"


Tita Jolina is Juls' mom, while tita Pauline is Patty's mom. Hindi ko alam kung mapapafacepalm ako kay mommy eh magkakatabi lang naman ang bahay namin pero ayos na ayos ang bihis niya! Gosh!


Living with my Enemies (Boys VS Girls)Where stories live. Discover now