Chapter [68] - "Reconciliation"

429 15 18
                                    

Patty's POV




Agad kong itinulak papalayo sa akin si Seth. Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya.




"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Sigaw ko sa pagmumukha niya




"Why? Anong inaarte mo? Eh nakikipag live in ka nga, tapos halik lang galit na galit ka?" Sagot niya sakin




Isang malakas na sampal ulit ang iginawad ko sa kabilang pisngi naman niya para pumantay.




"Wala kang alam tungkol sa akin." Sabi ko sa kanya at nag simulang talikuran siya.




Paalis na sana ako ng may nakalimutan akong sabihin sa kanya. "Once you bug me again, I'll sue you. Keep that on your lil mind"




Kung wala lang akong hahabulin eh ipapakaladkad ko pa iyon palabas ng school, pero kasi kailangan kong maabutan si Patrick. Kailangan ko siyang makausap... Gusto kong itanong bakit siya umalis, imbes na hatakin niya ako papalayo kay Seth...




Ang dami na nangyayari sayo Patty siya pa rin laman ng utak mo. Ano tanga tangahan ba?




I sighed, "Kuya sa bahay na tinutuluyan ko ngayon, pakibilis lang po" Sabi ko kay manong pag sakay ko sa kotse namin.




Agad namang humarurot ang kotse namin dahil sa pagmamadali ko. I need to talk to Patrick. Teka bakit? Para saan? Maybe to explain things? Ah! Nakakainis, ano ba talaga ang gagawin ko.




Pag dating sa bahay kotse agad ni Patrick ang nakita ko sa garahe. Nag paalam naman ako kay Manong na okay na ako dito at makakaalis na siya.




Pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko si Patrick na nag lalakad papuntang kusina. Napalingon siya sa akin at binigyan ako ng madilim na tingin pero wala siyang binitawan kahit na anong salita bago tuluyang pumasok sa kusina.




"Wala ka man lang sasabihin sakin? Pag tapos niyo akong gaguhin? Ni explanation wala?" Ako na ang nag umpisa.




"Naka pili ka na rin naman hindi ba? Pinili mo ang gusto mong paniwalaan kasi yun ang magiging mas madali para sa'yo... kaya bakit mo pa ako tatanungin?"  Sagot niya sa akin habang kumukuha ng tubig sa ref.




Hinablot ko sa kamay niya ang pitsel at marahas itong ibinagsak papasok ng ref. "I want to hear your explanation" Mariin kong sambit.




Tumingala siya before he smirked at me na para bang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. "Why don't you explain yourself first? Yung halikan niyo ng lalaki mo?" Nang hahamon na tanong niya ng bumaling sa akin ang mga mata niyang puno ng... sakit.




Anong karapatan niyang masaktan?




"Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo. You're just nothing to me" I said.




He laughed again without humor. Aalis na sana siya bago ako nag salita ulit.




"Wala kang karapatan tanungin ako, o kwestyunin ang mga ginawa, ginagawa, at gagawin ko" Dugtong ko pa.




Humarap siya sakin, his eyes are full of anger, but pain is the majority. "Alam ko" He said when he totally faced me.




"Ganon naman lagi diba, Patty..." Mas kalmadong sabi niya.




Living with my Enemies (Boys VS Girls)Where stories live. Discover now