Chapter [62] - "Confused"

450 18 30
                                    

Patty and Patrick in the photo!

---






Patty's POV



"Patrick bilisan mo naman!" Sabi ko sa kanya na pabagal bagal bumaba ng sasakyan. Kung pwede lang iwan 'to iniwan ko na 'to! Kaso nahihiya akong ako lang papasok mag isa, mamaya sigawan ako bigla ng prof namin. Hindi pwede yun no! Gusto ko mapahiya rin si Starfish



"Bakit ka ba nagmamadali, eh late ka na rin naman" Sabi niya paglabas ng sasakyan. Tinignan ko ang wristwatch ko. 7:58 na. Tsk!


"Oh diba? Wag na tayo pumasok sa first period, mabuti pa mag almusal na lang tayo sa canteen" Sabi niya at nagsimula ng maglakad. Ano ba yan, may point siya!


Sumunod na lang ako sa kanya papunta sa canteen. "Pag yun si Miss nag biglaang pa quiz after discussion, ikaw sisisihin ko ah!" Sabi ko, tinawanan niya lang ang banta ko.



"Ate, fries and spag nga para sa napakagwapong ako. Ikaw Pating?" Sabi niya sa tapat ng counter, sabay tingin sakin. I just rolled my eyes.


"Cordon bleu, and iced tea Miss" Sabi ko at tumalikod na para maghanap ng upuan


"Hoy Pating! Bayad mo!" Sigaw ni Patrick.


"Ikaw magbayad, schedule mo ngayon diba? Di ka nagluto eh" Sabi ko at naupo


"Duga" Bulong niya.


Makalipas ang ilang minuto naupo na si Patrick sa tapat ko at binigay sakin ang order ko, "Here's your order madame!" Masiglang sabi niya


"Kanina ka pa! Wag ka ngang ngumingiti, ayokong masaya ka" sabi ko sabay irap sa kanya.


"Okay madame!" Nakangiting sagot niya. Nabibwisit ako ah!


Nagsimula na kaming kumain, infairness, ang tahimik naming dalawa ngayon. Pero tuluyang nabasag ang katahimikan ng may biglang sumulpot.


"Patty?" Sabi ng isang lalaki, pag lingon ko ay si Seth.


"Seth? Ikaw pala" Agad akong nag punas ng tissue sa bibig ko. "Anong ginagawa mo dito?"


Si Seth ay kababata ko since grade 1 ako, naging mag schoolmate kami mula grade 1 hanggang 6. Well, we're not really close. I don't really like guys since iniwan ako ng dad ko. Pero idk what's up with him bakit kung makipag usap sakin ay akala mo may pangako kaming mag friends kami to infinity and beyond. Pero syempre ayaw kong masamain, wala naman ginagawang masama yung tao.


"Hinatid ko lang yung sister ko, dito kasi siya nags-school" Sabay smile niya sakin

"Oh! Si Almira?" tanong ko


"Yes" sabi niya sabay tingin sa wrist watch niya, "Need ko na pala umalis Patty, may class pa ako"


"Oki, ingat!" Sabi ko ng nakangiti


"See you around" Sabi niya bago tuluyang umalis, bumaling naman ako sa kasama ko dito na sinusundan ng tingin si Seth.


"Sino ba talaga yung Orangutan na yun?" Tanong ni Patrick


"Ah, childhood friend" Sabi ko at kumain na lang ulit


"And your boyfriend?" Tanong niya ng nakataas ang kilay


Living with my Enemies (Boys VS Girls)Where stories live. Discover now