Chapter [65] - "Boss Babe"

518 21 24
                                    

Patty's POV

He is my first kiss.




Omg.





I already have my first ever kiss!




Napatakip ako sa mukha ko ng maalala yung kiss naming dalawa ni Patrick! Malamang ngayon eh pulang pula na ako. Nakakaloka talaga ang pangyayari ngayong gabi! Hindi pa rin ako makaget over.





Patrick is in love with me... Oh, God.




Ngayon lang nag si-sink in sa akin ang lahat! Ibig bang sabihin neto eh hindi na siya pwedeng lumandi sa iba? Sa akin na siya?




Pero hindi pa kami. Teka manliligaw na ba siya? Pero wala naman siyang sinabi kanina. After kiss namin eh hindi na siya nag salita, tumitig lang siya sakin kaya nag excuse ako para makapunta dito sa kwarto! Nakakahiya naman sa kanya kung ipapakita ko ang pag pula ng pisngi ko! Isipin pa niya eh kinikilig ako, omg! Hindi ba? Teka, bakit naman ako kikiligin?



"Waaaah!" Tili ko.




Maya maya pa ay narinig ko ang sunod sunod na katok ni Patrick sa pintuan ko.




"Patty? Patty? Okay ka lang?" Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko. Napalakas ba ang sigaw ko?



Inayos ko ang sarili ko bago sita pinagbuksan ng pintuan. "Oo naman, bakit hindi? Hehe" Sabi ko sa kanya. Napaka peke ng tawa mo Patricia!



"Patty, yung tungkol sa kanina.. Hindi kita pinepressure ha? Sinabi ko lang yung nararamdaman ko. Yun lang" Sabi niya sa akin.



"Yun lang?" Nakapout kong tanong. Yun lang? Hindi ba siya manliligaw?



Nagsalubong naman ang kilay niya sa tanong ko kaya inayos ko agad ang sarili ko, "Ah, oo yun lang ba? Oo naman, sure sure" Myghad, Patty. Umayos ka, kukurutin kita sa singit!



"Weird" Natatawang sabi niya. "Bukas nga pala magluluto ka na ah, hindi porket mahal kita eh kakalimutan ko na yung schedule. Sarapan mo luto mo, mukhang mapupuyat ako ngayon eh"




"Bwisit" Sabi ko na lang at binalibagan siya ng pinto.




Bwisit pa rin siya kahit kailan!














Kinabukasan ay late na akong nagising. Hindi naman sa late pero kung magluluto pa ako ay siguradong male-late kaming dalawa. Dapat pala eh 5:00 ako gumising. Ano ba naman kasing orasan 'to! 6:00 am na! Syete! Sabi pa naman ni starfish eh mag luto ako ng agahan! Ano ba naman kasi yan eh. Napuyat ako kagabi kakaisip sa mga sinabi niya sa akin, tsaka sa.. kiss namin.




Nag mamadali akong bumangon at naghilamos sa cr tsaka nagmadaling i-bun ang buhok ko at bumaba na.




Nakapatay pa ang ilaw sa hallway ng lumabas ako, medyo madilim pa dahil hindi pa naman tuluyang sumisikat ang araw. Medj palang. Buti na lang at tulog pa ang mokong.




Habang pababa ako sa hagdan ay napatigil ako sa paglalakad dahil sa mga nag liliwanag sa sahig. Mga candles.. Nagulat ako ng biglang may nag strum ng gitara..




(a/n: play the music aboveee pleaseeee)




"I just want you close
Where you can stay forever
You can be sure
That it will only get better..."




Living with my Enemies (Boys VS Girls)Where stories live. Discover now