Chapter [69] - "Huwag ng ipilit"

456 21 19
                                    

Patty's POV




"P-Patty, a-anong ginagawa mo dito, anak?" Nag mamadaling buksan ng tatay ko ang gate para bigyan ako ng daan makapasok.



"A-alam ba ng mommy mo na nandito ka?" Tanong niya ng tuluyan ng mabuksan ang gate. Napatingin naman siya sa kotseng nasa labas ng bahay.



"Mga kaibigan mo? Tawagin mo, halika anak at pumasok kayo" Sabi niya at kumaway sa mga kaibigan kong nasa loob ng kotse.



"Wag na, hindi rin naman ako mag tatagal" Mahinahong sabi ko.



"A-ah, ganoon ba." Sabi niya ng may malungkot ng boses pero agad din namang ngumiti sa akin, "Kung ganoon pala ano ang sadya mo dito, 'nak?"



Hindi maiwasan ang pag kirot ng puso ko sa tuwing babanggitin niya ang salitang 'anak'. Matagal tagal na rin mula nung huli kong narinig ang salitang iyon galing sa kanya. It feels... strange, although it is from my father.



"May gusto lang akong pag usapan, kung ayos lang... po" Naging mahina ang pag banggit ko sa salitang po.



Hindi ko alam paano ko siya pakikitunguhan ngayon, ganoong nabastos ko siya nung nakaraang araw.



"A-ah, ganoon ba, sige hija. Pasok ka, ayos na ayos lang sa akin" Nakangiting tanong ng aking Ama.



Binigyan niya ako ng daan para makapasok ngunit bago pa ako humakbang papasok ay muli kong sinilip ang kotse kung nasaan ang aking mga kaibigan. Dahil tinted ang kotse hindi ko sila makita. Pero sigurado akong nakangiti at tumatango ang mga ito sa akin, habang binubulong ang mga katagang 'you can do it'.



Pumasok na ako sa magarang bahay ng aking tatay, at ng pamilya niya. I wonder if her mistress is here? Baka awayin na naman ako. Pero ayos lang at pinaghandaan ko na siya.



Nang makarating kami sa sala ay pinaupo niya ako sa komportable nilang sofa. Inutusan niya rin ang iilang mga katulong na mag asikaso ng pagkain para sa akin kahit na sinabi kong hindi naman ako mag tatagal.



"Tungkol nga pala sa nangyari noon..." Paninimula ng ama ko.



"Yung ang pinunta ko dito" Sabi ko ng may tipid na ngiti. "I want to know your reason why you left...."



Napaawang ang bibig niya sa diretsahan kong pag sasalita tungkol sa pakay ko. Ilang segundo pa ang pag balot sa amin ng katahimikan bago siya huminga ng malalim at tumango. Senyales na handa niyang ibigay ang kuwentong hinihingi ko.



"Nung gabing papauwi ako galing sa trabaho, nalaman kong nasunog pala ang bahay natin, nag mamadali akong kunin kayo ng mommy mo. Pinilit kong maihatid kayo sa ospital dahil sobra kayong naapektuhan sa sunog, lalo na ang mommy mo." Pag sisimula niya sa kwento.



Susubukan kong makinig sa abot ng aking makakaya. Kailangan kong malaman lahat para rin matahimik na ang mga katanungan ko na halos isang dekada na akong ginugulo.



"Dalawang araw na ang nakakalipas pero hindi pa rin kayo nagigising dalawa. Sobrang nahihirapan akong makita ang mag ina kong walang malay. Para ako minsang tinotorture pag naiisip ko na anytime pwede kayong mawala sa akin..." Huminga siya ng malalim bago ituloy ang kuwento niya.



"Sa ikatlong araw matapos ang insidente, nakuha ko ang report from the police na hindi aksidente ang nangyari."  I saw the fire in my father's eye that symbolizes how furious he is right now.



Living with my Enemies (Boys VS Girls)Where stories live. Discover now