Chapter [57] - "Patrick is sick"

19.6K 568 126
                                    


Patty's POV


Tapos na ang new year and back to school na naman, at hetoooooo akooooo! Nagmemake up hihihi! Hayaan mo si Starfish mag hintay sa labas.


"Ang ganda mo patty!" sabi ko sa reflection ko sa salamin. Nagpose ako ng nakanguso.


"Oha pak!" Nag smile ako. Nag pout. Nag fierce. Nag peace sign. Nag---


"PATTY ANO BA LATE NA TAYO!" Sigaw nung pangit sa labas. Bigla siyang pumasok sa kwarto.


"Ano ba? Late na tayo pamake up make up ka pa diyan." Sabi niya ng naaasar. Ampangit niya talaga.


"Mas okay ng malate kaysa pumasok ng pangit ano" Sabi ko sakanya sabay irap at tinuloy ang pagme-make up ko.


"Tsk. Di mo naman kailangan mag make up!" Sabi niya. "Maganda ka naman kahit walang ganyan." Sabay labas ng kwarto. Napastop ako saglit.


Unti unti akong napangiti, binitawan ko ang lipstick na hawak ko at tumayo.


"Kita mo na Patty! Ang ganda mo talaga! Kahit starfish nahuhumaling sayo! Bye make ups! Maganda ko kahit wala kayo! HIHIHIHI" Sabi ko at tumayo na.


**


"Hoy Pat!" Biglang bato sakin ni Maxinne ng libro.


"Aray ano ba!" Sigaw ko sakanya at hinimas ang likod ng ulo ko.


"Grabe sinasaktan niyo bebeloves ko" Sabi nung ulupong at inakbayan ako.


"Ano ba punyeta! Bitaw!" Sigaw ko kay Patrick at tinulak ko siya palayo sakin.


"Awtsu darleng! Haplos ba yan ng pagmamahal?" Sabi ni Patrick.


"Haplos ng pagkamuhi yan gago!" Sigaw ko sa Patrick na to at nagtawanan ang mga kaibigan namin.


"Movie marathon tayo guys?" Sabi ni Andrew.


"Tara tara ano!" Sabi naman ni Prince habang nag aayos ng gamit. Uwian na kasi tapos nagkayayaan pa tong mga to mag movie marathon.


"Err, test bukas" sabi ni Alex.


"Ano ba yan! Wag ka na mag review!" Sigaw ni Max kaya binatukan siya ni Juls.


"Mag group review na rin tayo mamaya guys" Suggestion ni Juls.


"Agree ako diyan" Matthew said.


"Dun tayo sa bahay namin ni Patty!" Sabi ni Patrick kaya finlying kick ko siya.


"Ay paktay! Binahay na pala eh" Pang aasar ni Andrew. Kaya sinamaan ko siya ng tingin. "O teka gwapo lang ako pero di ako papalag" Sabi niya ng natatawa.

Living with my Enemies (Boys VS Girls)Where stories live. Discover now