Chapter [66] - "The Jealous Patty"

508 18 21
                                    

Hi! Sorry sa late update. Nung Friday pa sana 'to kaso inabot ng Sunday dahil sa pagkakabura ng first 3k words na nagawa ko for this chapter. Di ko alam paano ko siya ulit sisimulan eh huhu.


Anyway! Here's the update, hope you enjoy!






Patty's POV




After namin sa botique ay umuwi na kami. Isang size lang ng damit na napili ko muna for groom and for bride ang binili namin dahil wala pa namang budget na binibigay sa amin. Ang cute cute nung nabili kong dress. Mukha siyang modern filipiniana na garterized. Super simple lang niya talaga, pa square neck siya and medyo naka puff yung sleeves niya. Pwedeng i-off shoulder. Then niriribbon lang din sa likod and may maliliit na beads. So cute. For the groom naman ay isang modern barong coat lang para ipapatong na lang. Kaya ganun kasi napagdesisyunan ng group na ang magiging theme namin ay vintage na may pagkamodern. Cute diba?


Nag yaya nalang akong umuwi after mamili dahil napansin ko ring buong oras parang wala sa sarili si Patrick.






"Sigurado ka bang okay ka lang talaga?" Pangungulit ko habang nag da-drive siya pauwi.






"Oo nga po boss" Sagot niya sakin at nag smile habang nakatingin sa kalsada.






Kanina pa kasi siya hindi nag sasalita mula nung galing siya sa CR. Isang tanong isang sagot lagi ang ganap naming dalawa, nakakapanibago. Ano kaya nangyari? Hmm.





"Liar" I answered back at tumingin na lang sa bintana. I heard him chuckled.






"Paano mo naman nasabing nag sisinungaling ako?" Natatawang tanong niya





"Alam ko lang" Sabi ko ng hindi pa rin siya tinitignan, humalakhak na lang siya at nag drive ulit.





Habang pinapark niya sa bahay ang kotse ay sinulyapan ko siya. Kitang kita ko ang seryosong mga mata niya. Ano na naman kaya iniisip neto? Lagi na lang ako nangangapa sa kinikilos niya, hay.







Nang mapansin niyang nakatingin ako ay binalingan niya ako. "Why? Tara na" Sabi niya at nag tanggal na ng seatbelt.






Hindi ako kumibo at tinitigan ko lang siya. He chuckled again at lumapit sa akin para tanggalin ang seatbelt ko. Nag paubaya naman ako at hindi pa rin tinatanggal ang mga mata ko sa kanya.






"I got you" I whisphered as I put my hand in his cheek. "I always got you, remember that"







I reminded him that I always got him. Hindi lang naman siya ang may kakayahan saluhan ako sa mga sariling problema ko. Gusto ko malaman niya na ganon din ako sa kanya. I want to assure him na if nobody got him, I am here. Wala pang kami, pero merong ako para sa kanya.






He slowly nodded and wet his lips as he looked into my eyes, then to my nose, then to my lips... "Thank you" He whisphered back. I just smiled at him.






Bumaba na kami para pumasok sa bahay.





"Patpatin, luto ka nga, dinner time na" Utos niya sa akin sabay pout. Ay napakagaling!





"Ano ka sinuswerte?" Sabi ko sa kanya.





"Oo?" He playfully answered.





Sasagot pa sana ako ng biglang namatay lahat ng ilaw sa bahay na naging dahilan ng sabay naming pag sigaw ni Patrick. Ang lalaking to! Mas takot pa sa akin!





Living with my Enemies (Boys VS Girls)Where stories live. Discover now