Chapter [55] - "The Aches, and Their Hearts"

20.5K 715 280
                                    


Matthew's POV


Binilisan ko ang takbo ng motor ko para mahabol ko sila. Nakakainis! Kala ko ba di kilala ni Max yun?! Bakit siya sasama din? Parang ewan talaga tong babaeng to. Nakakaasar lang.


Nang maabutan ko ang sasakyan nung epal na to sinabayan ko lang siya, doon ako sa may left side kung nasaan si Epal. Sinamaan ko siya ng tingin, sama kasi tignan eh. Sakit sa mata. Ngumisi lang sakin si gago. Anakng! Bigla niyang binilisan yung takbo. Kaya binilisan ko rin ang takbo at inunahan sila at bigla akong umistop sa harap nila. Pakshet! Ano bang ginagawa ko dito?! Anakng! Paano kung di magpreno tong hayp na to?! Potek.



Wag kang bading Matthew! Andito ka na eh. Para makuha mo si Max.


Pero may ibang paraan naman eh. Tanga mo Matthew! Papakamatay ka ba?!


Ayan na sila mabilis ang takbo nilaaaaaaa! WHOOOOOOO! Takteng yan! Mamamatay na ako!!


*kkkkkkkrrrrrrrkkk* (Tunog yan ng preno, walang budget sa sound effects, kuya ko pa nagturo niyan! HAHAHA)


Nagbreak si epal! Wooooooooh! Kala ko mamamatay na ako eh! Nakita kong bumaba si Max sa sasakyan ng galit na galit. Lumapit siya sakin at tinulak ako kaya napaatras ako ng onti. Watda. "Ano bang problema mo Matthew?!" Sigaw niya sakin. Bigla siyang hinatak papalayo ng epal na to.



"Oy, tama na brad. Nakakabwisit ka na." Sabi niya.


"Ano bang pakialam mo dito?!" Sigaw ko sakanya.


"Eh ikaw bakit ka ba nangingialam dito?!" Sigaw niya sakin aba epal talaga siya oh!


"Wala ka nang pakialam don!"


"At wala ka ring pakialam samin ni Max!" sa sobrang inis ko sinuntok ko siya sa mukha.



At gumanti naman siya sa akin, sinuntok niya rin ako sa mukha. Yung akmang gagantihan ko na siya biglang humarang si Maxine. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya. "TAMA NA MATTHEW! TAMA NA!!! TUMIGIL KA NA!!!!!" Sigaw niya sakin. As in sigaw, Lumabas na ugat nya sa leeg niya. "ANG GULO GULO MO!! HINDI NA KITA MAINTINDIHAN!! ANG EPAL MO NAKAKAINIS KA NA!!"


"Concern lang ako sayo Max!" Sigaw ko.


"Concern?! Wow. Kung tutuusin wala ka ng pakialam kung ano man ang mangyari sakin eh! Choice ko to! Pinili kong sumama kay Chase and you have nothing to do with it. This is my choice, and this is my life. So stop ruining ruining my life!" sabi niya at hinarap si Epal. "Come on, Chase" sabi niya at tinulungan ito tumayo, nauna ng pumasok sa sasakyan si epal. Lumapit sakin si Max.


"Get out of our way, and please get out of my life!" Matigas na sabi niya sakin.


Living with my Enemies (Boys VS Girls)Where stories live. Discover now