Chapter [60] - "Unfamiliar Feeling"

521 18 18
                                    

Patrick's POV



"What?" Naka-ngising tanong ni Matthew. "Come on, Pat! Para yan lang!"



Natatawa pa si gago. Baka ano isipin nung Patty na yon. Isipin pa niya na gusto ko siya, feelingera pa naman yon. Aish! Nako naman! "Why do you look so frustrated? Lagi mo naman siyang inaasar ng ganyan diba? What's new?" sabi niya habang paupo sa couch sa tapat ko. He has a point. Pero kasi. . . . . hays.



"Bakit ano nangyari?" Nagtatakang tanong ng mag pinsan dahil naging abala sila sa pagpili ng movie. Hindi ko sila pinansin, hindi rin pinansin ni Matthew. Diretsong nakatingin pa rin siya sa mga mata ko.



I gritted my teeth. Napipikon na naman ako kay Matthew, pero mas lalo na sa sarili ko. Bakit hindi ko siya masagot? May punto naman talaga siya ah? Patrick anuena. "Hindi ka na ba sanay asarin si Patty nang ganyan?"



"Tss, wala kang pakialam" Sabi ko sabay tayo. Tanginang to, ang daming tanong. Ako nga sa sarili ko hindi ko maintindihan eh.



"O baka kasi yung pang aasar mo... nagiging totoo na?" Mabilis ko siyang nilingon ng nakakunot ang noo habang magkasalubong ang kilay. Nakita ko siyang hawak hawak niya ang labi niya at ngumingisi na parang kambing.



"Alam mo tol? Yung sinasabi mo, yung ginigiit mo, walang punto. Kami ni Patty? Imposible kami-"


"Posible, Pat. Nahulog ka nga eh"


"Wag mong pangunahan ang nararamdaman ko." Madiin kong sabi sakanya.



Nagsasalitan lang ng tingin samin ang mag pinsan na akala mo isa kaming napakalaking puzzle na ang hirap buuin. Tss.


"Ang torpe mo" sabi niya sakin ng walang pagkurap. Na para ba akong suspek sa isang krimen na siguradong sigurado siyang guilty ako sa nangyari.


"Hindi lang ako katulad mo na hindi sinisigurado ang nararamdaman kaya pinipiling saktan at ipahiya ang isang babae." Nagsalubong ang kilay niya, here comes the bad booooy. "Why? Did I stepped on your ego?" I smirked when I saw his jaw clenched. We stared to each other for a minute.


"Woooh init dito" Sabi ni Prince.


"Hot kasi ako, gago" Sabi ni Andrew.



Maya maya pa tinapik ni Prince si Matthew sa balikat.



"Tama na yan, saan pa mapunta yan" Si Andrew ulit.


"Fine" Tumango tango si Matthew na halatang ayaw patulan ang mga sinasabi ko. "Well... Gusto ko lang naman kasi malaman kung gusto mo siya. So kung hindi, at halata naman sa sinasabi mong wala kang nararamdaman para sakanya, then thanks. I'll proceed to my plan."


Naningkit ang singkit kong mga mata. "What plan?"


"There's a guy who wants to meet Patty. And.." nagkibit balikat siya, "Well, hmm, I will introduce him to Patty in... some other time, maybe? I don't know yet" Hindi pa siya sure sa mga sinasabi niya, huh? Sa lagay na yan?



"O..okay. Good for her" Sabi ko na lang bago tumalikod ng tuluyan.



"Sino yan?" Rinig ko pang tanong ng dalawa kay Matthew kung sino ang ipapakilala niya kay Patty. I don't give a damn.


"Well, his name is Chase" that's the last sentence I heard from Matthew.





Chase, huh? What is he? A trash? Tss.









Living with my Enemies (Boys VS Girls)Where stories live. Discover now