Chapter [27] - "Forehead kiss" (Patrick and Patty's Pov)

34.2K 1K 79
                                    

Dedicated to crazymyca Thank you po :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(Ito yung time na pinauwi na ni Ma'am sila Patty)

Patty's POV

Sama talaga ng pakiramdam ko . Pumunta na kami ni Patrick sa Clinic . 

"Oh ? Anong problema?" -Nurse

"Taas po ng pakiramdam niya eh" -Patrick sabay turo sakin . Hinawakan naman ng nurse yung noo ko.

"Mataas nga higa ka muna . Tapos uwi ka na" -Nurse

Pumunta naman ako dun sa may higaan . May kortina kasi kaya di ko alam kung ano ginagawa ni Nurse dun . Hinihingi rin kasi ni Patrick yung gamot na papainom sakin. Pinikit ko naman yung mata ko .

Naramdaman ko naman na parang may humahawak ng noo ko. Di pa rin ako dumidilat . Tapos naramdam ko parang may nagkiss sa noo ko. Kaya minulat ko yung mata ko pero di ko pinahalata na gising talaga ko . Si---si--si-- Pa---tri---ck yung kumiss sakin ? o.O 

"Pa--pa-tri--ck ?" -Ako. SHet bat ba ko nauutal sa forehead lang naman yun eh. 

"Gising ka na pala ? hehe. Ito gamot mo oh" -Patrick. sabay bigay sakin ng gamot at water ininom ko naman . Tapos tumingin naman siya sa ibang direction .

"Uwi na tayo." -SIya. Tumayo naman ako . tapos inalalayan niya pa ko .

"Di pa naman ako baldado kaya ko na sarili ko . Tara na gamitin na lang natin sasakyan mo" -AKo . Ngumiti ako pero yung pilit lang.

Andito na kami sa parking lot . Pinagbuksan niya pa ko ng pinto . Anong nakain nito ata naging mabait ? Sumakay na alng ako . Papunta na kami sa bahay namin . Ang awkward namin ngayon ang tahimik eh . -_-

"Patty ok ka lang ba ? Medyo nawala na ba yung lagnat mo ? Gusto mo dalin na kita sa hospital ? Nagugutom ka ba ? Gusto mo na bang magpahinga?" -Sunod sunod na tanong niya . Grabe naman to .

"Hinay hinay lang Patrick. Mahina kalaban . Ok lang di ako nagugutom papahinga na lang ako sa bahay" -Ako. Tas nginitian ko na lang siya

"Sure?" -Siya

"Oo" -Ako

"As in sure na sure?" -Siya

"Sure nga ang kulit" -Sabi ko na parang naiirita . Siya naman salita ng salita habang nakitingin sa kalsada

Living with my Enemies (Boys VS Girls)Where stories live. Discover now