Chapter [64] - "The Confession"

465 22 32
                                    

Dapat bukas pa ang update, kaso ma excite ako so... here! Enjoy guys!


Patrick's POV



"M-miss Bianca, ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko na halata pa rin ang gulat.


"Alam kong alam niyo kung ano ang ginagawa ko dito" Nakasmile na sabi niya sa amin. Napaka creepy talaga ng matandang to!


"Ang tagal niyo na dito hindi pa rin kayo natututo?" Tanong niya sa amin


"Natututo rin naman Miss, judger ka talaga" Natatawang sagot ko para maitago ang nerbyos ko


"Shut up Franklin! Manang mana ka sa tatay mo!" Sabi niya at inirapan ako. Anak ng!


"Pumunta ako dito para makausap si Patty pero nakita ko kayong naghabulan palabas. Anong plano niyo sa buhay niyong dalawa? Wala na ba kayong balak mag ayos?" Mataray na tanong niya sa amin.


Nagkatinginan kami ni Patty at parehas nagtataka. Pero atleast nakakagaan ng pakiramdam din na malaman na iba ang pakay niya, mabuti na rin at nakita niyang nagkaganun kami ni Patty para.. para hindi muna kami pauwiin...


"Anong pinag-awayan niyo this time?" Miss Bianca pa rin


Si Patty na ang sumagot. "Eh, miss si Patrick kasi. Hindi ako pinapahiram ng kotse niya eh may lakad po kasi ako kanina dapat! Eh diba dapat hiraman kami? Kung ipadala niyo na lang kaya yung hello kitty car ko?" Galing din sumegway ng babaeng to eh.


"At para saan? Para libre kang makauwi sainyo?" Sabi ni Miss. "Nag punta ako para warningan ka Patricia. Tumawag ang Mommy mo at nadulas siyang umuwi ka doon, sumusuway ka na ba sa parusa niyong dito kayo titira?"


Hindi sumagot si Patty at inirapan na lang niya si Miss Bianca. Pft.


"Wag na wag na ulit akong makakadinig ng mga ganon. Uuwi lang kayo pag may okasyon, hindi na kayo natuto!" Sabi niya sabay walkout palabas.


Nagkatinginan kami ni Patty at parehas natawa.


"Hindi na kayo natuto!" Gaya ko kay Miss Bianca at kunwaring lalabas din.


"Sumusuway ka na ba?" Gaya niya rin kaya parehas kaming nag tawanan.


Nang matapos ang tawanan ay ngumuso siya sa akin, ano ba naman 'to si Patty. Nakakailang mga ginagawa sa mukha. "Gutom na ako" sabi niya


"Magluluto na ako" Sabi ko naman


"Pero bukas pa schedule mo" sabi niya ng nakakunot ang noo


"Oo nga pero babawi ako" Sabi ko naman sa kanya


"Taray! Bilisan mo ah! Liligo lang ako" Sabi niya at dumiretso na agad sa taas.


Mabilis naman akong nagluto ng mga pagkain na kakainin namin, lalo na at para ito sa mahal na prinsesa na alam nating ubod ng arte. Pagkatapos kong magluto ay hinatid ko na ito sa terrace kung saan nag latag ako kanina ng mga higaan at unan. Nag lagay din ako ng screen na pwedeng panooran. Sinet up ko na rin kanina ang projector nung tulog si Patty. Balak ko kasing bumawi sa kanya ngayon kaya ayaw ko siyang paalisin kanina.



Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko bakit ko na kayang iwasan si Patty ng napakatagal. Mag mula kasi nung makita ko yung Chase na yun, pakiramdam ko talaga may iba sa kanya. Unang beses ko siyang makitang kasama si Max eh hindi na siya mawala sa isip ko, ganoon din nung nakita ko siya sa simbahan, lalo na nung nalaman kong siya pala ang ipapakilala ni Matthew kay Patty.



Living with my Enemies (Boys VS Girls)Where stories live. Discover now