Chapter [63] - "A boring week of Patty"

454 15 36
                                    

Patty's POV



Kulay kahel na ang langit ng idilat ko ang aking mga mata. Ugh, did I oversleep? Tinignan ko ang wrist watch ko, shit 5:30 na pala. Bumaba na ako para masabihan si Patrick na need na namin mag review.



"What's up?" Tanong niya sakin ng madatnat ko siya sa kusina. Hawak hawak ang platter ng lasagña na mukhang kakamicrowave niya lang. Halata naman dahil may pot holder siyang gamit. "Ininit ko kasi alam kong gusto mo 'to diba?"



"Dun mo na dalhin yan sa library, review tayo" Sabi ko na antok pa.



Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay, wow infairness ang linis! Nag linis siguro maghapon si starfish sa bahay kahapon!



Humihikab at nag uunat ako papuntang kwarto ko para kunin ang mga gamit ko nang makadiretso na sa library.



"Hoy Fatty, ako na gagawa nung sa Philo ah, yung gagawin mo naman ayus-ayusin mo ang sulat mo!"



"Kung sipain kaya kita sa mukha?" Sabi ko at sinamaan siya ng tingin. Kinuha ko na ang notebook ko at isang yellow paper tsaka nag simulang gumawa ng reviewer.



Lumipas ang isang oras nang matapos ako sa isang subject. Ubos na rin ang lasagña sa gitna namin ni Patrick. Tinignan ko siyang nakakunot ang noo habang nagsusulat.



"Ano sis, di ka pa rin tapos?" Inaantok na sabi ko



"Shhh" Sabi niya na lang at binalewala ang tanong ko.



Kinuha ko na lang ang book ko sa Stats at inaral.



Hindi pa ako nakaka-kalahating oras eh gulong gulo na ako. Nakakasagot naman ako madalas dito, hindi nga lang madalas tama dahil ko naman ito minsan maintindihan ng lubos. I sighed.



Bumaling ako sa katapat ko na mukhang kakatapos lang mag sulat. Sinitsitan ko naman siya at tinapat sa kanya ang isang equation. "Paano 'to? Paanong naging ganyan sagot?" tanong ko.



"Ano ba yan, napakadali niyan Patty. Engot mo naman" Sabi niya na natatawa



"Hindi ko kailangan ng pang iinsulto mo. Paano sabi to!"

Living with my Enemies (Boys VS Girls)Where stories live. Discover now