Chapter [61] - "A day with her"

449 17 18
                                    

Patrick's POV


"Oy, Prince! Saan ka ma aassign?" Tanong ko ng ngiting tagumpay.



"Kissing booth tol!" Sabi niya na akala mo iiyak na. Sayang, saya pala sana kung magkasama kami dito. Mantitrip sana kami.


"Kawawa ka naman" Sabi ko ng iiling iling at nilagpasan siya. "Eh ikaw, Matt?"


"Gagu, Jail booth ako, bakit doon?" Reklamo niya.



"Hindi ko alam tol, magpaTulfo ka na lang" Sabi ko ng nakangisi, binalingan ko naman si Andrew. "Oy Drew ikaw?"



"Jail booth din pare" Mukhang hindi niya rin nagustuhan ah.


"Ayos yan pre, pero ingat ka. Mukha ka pa namang kirminal, diba?" Sabi ko at nakipag apir sa kanya pero tinignan niya lang ako. Sinimangutan ko siya at sapilitang kinuha ang kamay niya at in-apir sa akin. Apir lang pinagdadamot!


"Bakit ba parang ang saya mo? Ano ba nakuha mo?" Tanong ni Matthew.


"Marriage booth" Simpleng sagot ko


"Ah, kaya pala masaya, dahil makakasama si Patty" Andrew



"A-ano? Hindi nga ako masaya e! Kung pwede lang makipagpalit ginawa ko na! Haaay! Napakamalas ko talaga" Sabi ko with pailing iling pa. Baka mabuko ako e, mahirap na


"Everyone, listen!" Pagsasalita ni Miss Sanchez, "Ngayong may kanya kanya na kayong grupo, I will give you all our time to plan things out. Remember! Sa February 13 mangyayari ang pag lahat ng ito. I want these things to be perfect, okay? You still have a month to plan. Wag niyo akong rarason-nan na kulang sa oras, maaga pa lang binigay ko na yan. Got it? So now, go to your groups!"


"Oh by the way, wag kayong makikipagpalit ng group sa iba ah! Pag nalaman ko, ibabagsak ko kayo" Sabi ni Miss, kaya agad akong tumingin kay Evans at sinamaan siya ng tingin. Tumango siya at yumuko. Mabuti naman.


Agad agad kumilos ang mga kaklase ko, lahat kami nagsunuran kay Patty kasi siya ang may hawak ng marriage booth. Napakunot ang noo niya ng makita akong ngingisi ngisi papalapit sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.


"Kagroup mo kaya ako, ayaw pa?" Nakangising sagot ko.


"Oo ayaw ko" Sabi niya at tinalikuran na ako. Nak ng!


Nag simula na siyang sabihin ang mga plano pero ako nakikipagdaldalan lang sa katabi ko.

"Any suggestion for the design of our booth?" Tanong niya. Nag suggest naman ang mga kaklase ko, pero ako ito, nabobored na kaya kinakausap na si Lia. Ang kaklase naming crush ata ako. Sus, alam ko pag may crush sakin tao ano!


"Ikaw Lia, pag ikakasal ka anong design ang gusto mo? Anong theme.. Tsaka motif?" Tanong ko na ikina-blush ng mga pisngi niya. Sabi ko na crush niya ko eh. Kaso di ako napatol sa mukang coloring book e. Sad for her.


"Uh, s-syempre gusto pastel color motif. Tapos uhm, enchanted t-theme, tapos simple l-lang—" naputol ang pagsasalita niya ng sumingit ang aming leader.


"Baka gusto niyong i-share yang topic niyo ng may dulot kayong dalawa?" Mataray na tanong ni Patty.


"Kalma babe" Sabi ko, sungit amp.


"Fuck you" Malutong na sabi niya sa pagmumukha ko at tumingin kay Lia. "Any suggestion Ms. Montero?"


"Uh, b-baka pwede tayo mag ano, ano ng ano, dress for the bride—"


Living with my Enemies (Boys VS Girls)Where stories live. Discover now