Quatro Kantos

28.7K 1K 15
                                    

Chapter Five

NANG umingit ang bintana ay marahang umunat si Virgil mula sa pinagkukublihan. Madilim ang buong silid maliban sa malamlam na liwanag na nagmumula sa maliit na lamp shade sa side table ng kama. Nakita niya ang pagpasok ng isang anino. Lumingon ito sa direksyon ng banyo kung saan maririnig ang lagaslas ng shower. Pagkuwa'y dahan-dahan itong lumapit sa bultong nakahiga sa kama. Nang makilala nito ang nahihimbing na target ay hindi ito nag-aksaya ng oras. Kaagad nitong iniumang ang baril na may silencer sa walang kamalay-malay na si Emilia.

Subalit bago pa man nito makalabit ang gatilyo ay isang bala ang tahimik na tumagos sa bungo nito. Walang buhay itong bumagsak sa sahig. Hindi nagtagal at narinig ni Virgil ang isang sipol. Hula niya ay iyon ang signal mula sa kasama ng lalaking ngayon ay wala ng buhay na nakabulagta sa sahig. Naghintay siya ng ilan pang sandali. Di naglipat-saglit at mahinang umingit ang bintana.

Hindi na nagulat si Virgil nang may pumasok na isa pang anino. Nang makita nito ang bultong nakabulagta sa sahig ay alerto itong napalingon sa paligid. Bago pa nito matagpuan ang kinatatayuan niya ay tahimik na bumuga ng tingga ang hawak niyang baril. Ni hindi na nito nagawang kalabitin ang sariling baril nang unti-unti itong maupos sa tabi ng kasamahan.

Maingat na nilapitan ni Virgil ang dalawang bulto sa sahig. Tiniyak niya muna kung pareho ng walang pulso ang mga ito.

"Si...no k-ka?" ito ay mula sa huling binaril niya. Naghihingalo na ito.

"Importante pa ba 'yon?" walang emosyon niyang tugon.

"O...o. Pa...ra alam ng...ka...patid na...min kunggg..." nahigit nito ang paghinga.

"Kapatid? Kung hindi ako nagkakamali ay apat kayo, tama?"

Isang tila pasinok na tawa ang narinig niya mula sa kausap.

"Mana...na...got k-ka. Tini...tiyak k-ko sa...'yo."

Napapailing na itinutok ni Virgil sa sentido ng lalaki ang hawak na baril. Hindi na niya pinatagal ang paghihirap nito at dagli niyang kinalabit ang gatilyo.

"Magkita na lang tayo," paanas niyang wika rito.

***

PAGMULAT na pagmulat ng mga mata ay mabilis na pinakiramdaman ni Emilia ang sarili. Wala naman siyang maramdamang kakatwa. Nag-iisa na lamang siya sa silid. Nang tingnan niya ang bakanteng espasyo sa kanyang tabi ay mukhang hindi rin iyon nahigaan magdamag. Hinanap niya ang okupante ng silid. Mukhang wala ito roon. 

Nang maisip na marahil ay nasa labas na ito ay kaagad siyang bumangon at nag-ayos ng hinigaan. Naglinis na rin siya ng silid.

Kasalukuyang kinukuskusan ni Emilia ang sahig nang mapansin niya ang pulang mantsa sa semento.

Dugo?

Akmang lalapitan niya iyon para ma-inspeksyong mabuti nang may kumatok sa pinto. Kaagad niyang tinungo ang pinto at pinagbuksan ang kumakatok.

"Good morning," nakangiting bungad ni V. Basa ito at may dala-dalang diving gears.

"G-good morning. Pasensya ka na kung dinatnan mo pa ako dito sa kuwarto mo. Naglilinis kasi ako."

"Ayos lang. Sinubukan kong puntahan ang isa sa ipinagmamalaking diving spot dito sa Cartajena."

"'Yong malapit sa yungib?"

"Oo."

"Marami nga ang turistang nagpupunta ro'n. Karamihan ay mga foreigners. Isa sa mga ipi--"

"Boss, Boss!"

Naudlot ang sasabihin pa sana ni Emilia kay V nang hangos na dumating si Ava.

"O, saan may sunog?"

VirgilWhere stories live. Discover now