Sulyap sa Nakaraan

37.6K 1.1K 19
                                    

Chapter Two

VIRGIL had his first hit at the age of twenty. Si Antoine Vlasic, isang Russian mafia. The order was from another mafia rival. It was a clean shot. At bagaman iyon ang maituturing na kauna-unahan niyang target ay wala siyang nadama ni katiting na remorse o pag-aalinlangan. Isang kilalang personalidad pa ang sumunod doon. Isang mayamang Taiwanese actor slash car racer na sangkot sa isang rape scandal. Pero komo parehong nagmula sa mga kilalang pamilya ay hindi masyadong natalakay ng media ang balita. Through underground connections, the father of the victim commissioned Virgil to take the hit. Ang dalawang malaking personalidad na ito ang nagpalutang sa reputasyon ni Virgil bilang The Shadow of Death. Sapagkat nagagawa niyang itumba ang kanyang target nang pulido at walang bakas ng ebidensya.

He owed his life to Rusty Chen. Bukod sa iniligtas siya nito sa tiyak na kamatayan ay ito na rin ang nagsilbi niyang magulang simula nang siya'y maulila. Rusty Chen was a hotshot drug dealer during his time. Sinubukan nitong magbagong-buhay upang makapiling ang kanyang mag-ina; subalit sa kasamaang-palad ay hindi ito pinayagang tumiwalag ng organisasyon. Sa kulungan pa lamang ay tinangka na itong patahimikin ng sindikatong kinabibilangan nito. But Rusty Chen strike a deal with Captain Filemon Medina. They faked his death kapalit ng lahat ng nalalaman nito tungkol sa organisasyon.

Rusty Chen fled and laid low. Despite his being a drug dealer, Rusty was a very cunning man. He stash his millions in different secret account. At iyon ang ginamit nito upang muling makabalik sa Pilipinas. He took a dead man's identity and had a face surgery. And then he came back in the country and helped Boris Javier--his son--to put up Polaris Casino.

Para sa underworld, patay na si Rusty Chen. Ngunit hindi si Virgil--ang kanang-kamay at itinuturing na mata at tenga ni Rusty na mas pinangingilagan sa underworld kaysa sa ama-amahan nito.

Ngunit sino nga ba si Virgil..?

***

"DAD, look!"

Proud na ngumiti si Dr. Alexander Palomares pagkakita sa mahusay na pagkaka-dissect ni Alexis sa nahuli nilang ahas.

"Mahusay ang pulso mo, anak. Palagay ko ay magiging isa kang mahusay na siruhano."

"I don't wanna be a neuro-surgeon like you, Dad, I hate going into other people's brain," birong wika ni Alexis sa ama na kilalang mahusay na surgeon partikular sa ilang maselang kaso ng brain surgery.

Natawa ang doktor sa tinuran ng katorse anyos na anak.

Sa batang edad ay graduate na si Alexis ng high school. Ilang ulit siyang na-accelerate sa elementarya at sekondarya. Kaya naman sa paparating na pasukan ay naghahanda na siya upang kumuha ng pre-med course. Ibig din niyang maging isang doktor. Kung saang espesyalidad niya nais magkonsentra ay hindi pa siya nakatitiyak. Gayunpaman simula't sapul ay pangarap talaga niyang magtapos ng medisina kaparis ng kanyang ama.

"Luto na ba ang ating pananghalian?" magiliw na lumapit sa mag-ama si Michaela Wong, ang magandang maybahay ni Dr. Alexander Palomares. "Ugh! Alexis, hanggang dito ba naman ay magdi-dissect ka ng mga animals, anak? We're on vacation."

"Relax, Mom. Nahuli lang namin 'yan ni Dad kanina habang namimingwit. At para na rin po sa kaalaman niyo, isa ang ahas na ito sa pinakamapanganib na uri ng water snake na naninirahan sa fresh water. So if you wanna take a dip in the lake, you better think twice, mother."

"Is this true?" maang na napatingin si Michaela sa asawa.

"Better safe than sorry, dear. May pool naman dito sa kinuha nating private villa so I guess it won't hurt to stay on the safe side."

VirgilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon