Si Alfonso Cortez

23.1K 819 10
                                    

Chapter Eighteen

"ANO ang kaugnayan mo sa aking anak?" more or less ay inaasahan na ni Virgil na itatanong iyon ng ama ni Emilia.

"Magkaibigan ho kami, 'Pa. Naki--" nahinto sa pagsasalita si Emilia nang tingnan ito ng masama ng ama.

Awtomatikong naitikom ng dalaga ang mga labi at namumulang yumuko.

"Sa akin ho unang in-offer ang utos na iligpit si Emilia."

Hindi kaagad nakapagsalita ang nakatatandang lalaki.

"Isa kang...hired killer?"

The best in the field, Sir. Pero batid niyang hindi niya iyon puwedeng sabihin dito kaya sa halip ay tumango na lang siya.

"Sino ang nag-utos para iligpit ang aking anak?" nakatiim ang mga labing tanong ng nakatatandang lalaki pagdaka.

"Hindi ko ho alam. Ang mga ganitong transaksyon ho ay nagdaraan pa rin sa isang middle man."

"Pero may palagay ho si V na may kaugnayan dito sina Steffi at...Cedes," tila nananantiyang dugtong ni Emilia. Marahil ay isinasaalang-alang pa rin nito ang damdamin ng ama nang banggitin ang pangalan ng dating kinakasama.

"Sina Cedes? Ano naman ang kinalaman nila rito?"

"Mayroon hong isang babae na nagpapanggap na si Emilia sa tahanan ng mga Lianzares."

"At sinasabi mong ang babaing ito ay..."

"Si Steffi ho, 'Pa."

"Paano kayong nakasisiguro?"

Tumingin sa kanya si Emilia. Inilabas niya ang kanyang cellphone. When Rusty told him that he will dig deeper, isang larawan ang ipinadala nito sa kanya. Ang larawan ng babaing nagpapanggap na si Emilia. Ipinakita niya iyon sa mag-ama.

Sabay na lumarawan ang rekognisyon sa mukha ng mga ito.

"Si Steffi nga 'yan. Walang duda," tiim na tiim ang mga labi ni Emilia.

Para namang nanlumo ang mukha ni Mr. Alfonso Cortez. Hindi marahil makapaniwala na ang mag-inang bukas-palad nitong tinanggap sa sariling tahanan ang siya pang magdudulot ng kapahamakan sa anak nito.

"Alam kong hindi kayo magkasundo ni Steffi. Pero ang gawin niya ang bagay na ito sa'yo ay..."

"Papa, ano pa bang pruweba ang gusto niyong makita? Bakit parang mas madali para sa inyong makita ang mga kapintasan ko bilang isang anak kaysa sa nagdudumilat na katotohanang niloko kayo ng mag-inang 'yon?"

"Emilia!" bahagyang tumaas ang tinig ni Alfonso sa anak.

"Aalis na ho ako. Kayo na lang ni V ang mag-usap," di-kawasa'y tumayo si Emilia. Halatang masama ang loob. "Siguro naman ay wala ng banta ngayon sa buhay ko. Pupunta na ako sa resort."

Nang dere-deretsong tunguhin ni Emilia ang pinto ay hindi maalaman ni Virgil kung susundan ito o mananatili roon upang ipagpatuloy ang pakikipag-usap kay Alfonso.

"Sundan mo na siya," wika ng nakatatandang lalaki. Pinuno nito ng hangin ang dibdib kasabay ng paghagod nito roon ng isang kamay.

"Ayos lang ho ba kayo?" aniya nang makitang tila nahihirapan itong huminga.

Tumango ito. "Ayos lang ako. At nauunawaan ko kung nagtatampo man ang aking anak. Sige na, sundan mo siya at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya."

***

TUMAAS ang mga balikat ni Emilia sa pagpipigil na umalpas ang kanyang mga luha. Grabe ang hinampo niya sa kanyang ama. Nabingit na sa kamatayan ang buhay niya ay kinakampihan pa nito ang taong pinagsususpetsahan nilang may pakana sa pagpapapatay sa kanya. 

VirgilWhere stories live. Discover now