Ang Puppeteer

21.4K 821 18
                                    

Chapter Twenty Seven

"A DATE?" muntik ng mabulunan si Boris sa nginunguyang suman.

Magkasalo silang mag-asawa sa hapag habang nag-aagahan. Ang napaglilihihan ng asawa niya ay pritong suman na may asukal. Nang malaman ng kanyang ina na naglilihi ang kanyang asawa ay halos araw-araw ito kung magpahatid ng mga lutong kakanin para kay Ayesha.

"Tama. Gusto kong ihanap mo ng makaka-date  si Emilia."

"Sandali. Akala ko ba boyfriend niya si Alex?"

"Break na sila."

"Agad-agad? Gaano na ba sila katagal? Ang bilis namang natapos ng kanilang relasyon."

"Importante pa ba 'yon? Gusto kaagad maka-move on ni Emilia kaya ihanap mo siya ng lalaking babagay sa kanya."

"Sweetheart, aren't you overstepping your bounds here? It's not like Emilia will need anyone's help to get herself a date. Maganda siya at mayaman. I'm sure by this time pumipila na ang kanyang mga manliligaw. Aside from that, I'm hardly qualified to be a matchmaker."

"Kung ganoon, tumatanggi ka?" may himig paghihinampong tanong ng kanyang asawa.

"H-hindi sa gano'n. Kaya lang kasi, sa nature ng negosyo natin, bibihira sa mga kakilala ko dito ang may matitinong background. I guess, you know what I mean."

"Wala bang isa o dalawa man lang na matino doon sa sinasabi mong bibihirang mga kakilala?"

Umikom-bumuka ang bibig ni Boris sa kawalan ng maikakatwiran. Hindi raw magandang pinasasama ang loob ng mga Misis na naglilihi, baka lumabas na mukhang ipinaglihi sa sama ng loob  ang kanilang panganay.

"O-okay. I'll see what I can do."

"Hayan, thank you!" isang yakap at matunog na halik sa pisngi ang natanggap niya.

"Kulang," kunwari'y reklamo niya.

"Kulang pa?"

"Uh-huh. Dito," itinuro niya ang mga labi.

Nakangiting tumayo si Ayesha at lumipat ng upo sa kanyang kandungan. Nang lumapat ang mga labi nito sa kanya ay hindi niya naawat ang sariling bigyan ito ng maalab na halik. Hindi nagtagal at limot na nila ang agahan.

***

"ANO'NG sinabi mo?" pag-uulit na tanong ni Alexis sa katatapos lamang sabihin sa kanya ni Boris. Dumaan ito sa kanyang opisina nang samahan nitong magpa-prenatal check-up ang asawang si Ayesha.

"You heard me. Gusto ng asawa ko na ihanap ng makaka-date si Emilia. I thought you ought to know since you two had a history."

"I see."

"That's all you can say?"

"Ours is a little bit complicated than you think."

"Complicated?" napapalatak ang kausap niya. "May mas kumplikado pa ba sa pinagdaanan namin ni Ayesha."

Napangiti siya nang mapakla. Kapag inilahad niya rito ang lahat-lahat tungkol sa kanyang pagkatao, ay hindi maiiwasang matuklasan din nito ang tungkol kay Rusty Chen alias Lucas Medrano. Isa iyong sikreto na ipinangako niyang dadalhin niya hanggang sa kabilang buhay.

"Please find a good man for her," aniya nang makiraan ang saglit na katahimikan.

"Are you sure? Hindi niyo na ba talaga maaayos ang lahat?"

Umiling siya.

Parang may gusto pang sabihin si Boris. Ngunit sa huli ay hindi na lamang ito nagsalita. At nang dumating si Ayesha ay nagpaalam na ito sa kanya.

VirgilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon