Special Chapter

40K 1.4K 201
                                    

A/N:

Spoiler alert!! Hulaan kung sino ang lalaking makikilala ni Emilia sa beach ^_^

Bb_Anastacia

'

Epilogue

ISANG taon ang matuling lumipas, napakarami ng nangyari magmula noon. Ipinasya ni Emilia na ibigay ang kalahati ng minanang mga ari-arian kay Lemuel. Madali itong napaikot ng abogadong si Tobias dahil sa kimkim nitong sama ng loob sa kanyang abuelo. Sa kabila kasi ng tapat nitong paglilingkod sa kompanya at sa pamilya ay hindi ito kailanman legal na in-acknowledge na anak ni Sylverio Lianzares. Para sa matanda ay isa lamang bayarang empleyado si Lemuel. Isang outsider.

Lalong sumiklab ang galit ni Lemuel sa matanda nang matuklasan nitong wala pa sa sampung porsiyento ng kayamanan ng mga Lianzares ang mamanahin nito sa sandaling mamatay ang kanyang Lolo. Noon ito kinausap ni Tobias, ginatungan ng abogado ang galit ni Lemuel upang makinabang din ito sa ari-arian ng mga Lianzares.

Imposible ng makalaya pa si Tobias sa patung-patong na kaso rito. As for Lemuel, nakahanda itong isiwalat ang lahat ng nalalaman laban sa abogado para sa ikagagaan ng kaso nito.

Siya sa kabilang banda ay ipinasya niyang ipagbili na lamang ang minanang negosyo. Sanay siya sa tahimik at hindi kumplikadong pamumuhay. Kaya matapos na maisaayos ang lahat ay umuwi na silang mag-ama sa Cartajena. Tahimik na rin ang kanilang lalawigan. Wala na ang dati nilang gobernador. Habang patungo sa husgado upang litisin ang kaso nito ay tinambangan ito sa daan.

Maugong ang balitang vigilante group ang nagpatahimik dito. Gayundin naman ay hindi maisasantabi ang posibilidad na sadya itong pinatahimik ng sindikatong kinaaaniban nito. Marami ang mga haka-haka. Ngunit kung ano ang totoo ay tanging ang mga responsable lamang sa nangyari ang nakakaalam.

Sa paglipas ng mga araw ay sinikap na ipokus ni Emilia ang panahon sa pangangasiwa sa resort. At dahil may sapat na siyang mapagkukunan ng pondo, ipina-renovate niya ang ilang bahagi ng resort upang makasabay ito sa mga de-klaseng resort sa kanilang lugar. Gusto na niyang pabanguhin ang imahe nito upang makaakit ng maraming turista.

"Excuse me?"

Habang naglalakad-lakad sa baybayin ay isang turista ang tumawag ng kanyang pansin.

"Yes?" mukha itong foreigner.

"Meron bang malapit na bangko dito?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Meron bang malapit na bangko dito?"

Bigla siyang napangiti. "Filipino ka pala, akala ko foreigner."

Napangiti ito sabay tanggal ng suot na shades.

Ang guwapo.

"Actually napadaan lang ako dito sa area niyo. Pero dahil maganda ang beach, naisip kong mag-stay ng ilang araw."

Customer! Iyon kaagad ang umilaw sa utak ni Emilia. Bagama't hindi na niya ginagawa ang dati niyang trabaho ng pagsampa sa mga bus upang makakuha ng mga parukyano, umiral pa rin sa kanya ang pagiging negosyante.

VirgilWhere stories live. Discover now