Part-time Hero

25.4K 981 12
                                    

Chapter Eight

KAHIT nahihirapan ay sinikap kumilos ni Virgil nang normal.

"Namumutla ka. Sigurado ka bang ayos ka lang? 'Yong sugat mo sa aksidente, nagamot mo na ba?" tanong ni Emilia.

Akala niya matapos nitong maihatid ang hinihingi niyang pagkain ay aalis na ito sa kanyang silid. Iyon pala ay mang-uurirat pa ito.

"Ayos na ako. Galos lang naman," aniya. Nakapagpalit na siya ng damit at nagamot na rin niya ang kanyang sugat.

"Kung galos lang bakit parang ang dami naman ng dugong tumagas sa damit mo kanina?"

Ibig ng mainis ni Virgil sa labis na kakulitan ni Emilia. Nahihilo siya, nagugutom at ramdam niya, nagsisimula ng tumaas ang kanyang temperatura. Nilalagnat na siya.

"Alam mo, hindi naman kaya sobra na ang pag-aalala mo sa akin?"

"A-ano naman ang ibig mong sabihin? Masama bang mag-alala para sa isang k-kaibigan? Magkaibigan na rin naman tayo, di ba?"

"Ganoon lang ba talaga? Magkaibigan lang tayo?" naisip ni Virgil, kung hindi niya madadala sa pasimpleng pagtataboy ang usiserang owner slash manager ng tinutuluyang resort ay susubukan niya ang ibang taktika.

"Uy, uy, uy. Umayos ka, ha? Ayaw ko 'yang himig ng pananalita mo. Baka gusto mong dagdagan ko 'yang sugat mo."

"Tsk. Wala namang kaso sa akin kung tototohanin natin 'yong kunwa-kunwarian nating pagiging magnobyo. Ayos lang sa akin."

"Mukha mo. Ano ka-naka-free?"

"Bakit? Guwapo naman ako," nag-pogi pose pa siya. Despite his predicament, he's starting to enjoy their conversation.

"Sino ang may sabi? Nanay mo?" nakatikwas ang ngusong sagot ni Emilia.

"Oo. Tsaka 'yong labandera namin, dalawa sila kaya naniniwala akong totoo 'yon."

"'Sus! Normal na sa mga nanay na purihin ang kanilang mga anak kahit mukha pang dugyot ang kanilang supling. 'Tsaka 'yong labandera niyo, pupusta ako, sinuhulan 'yon ng nanay mo para sumang-ayon sa kanya."

"Ang bait mo. Sobra. Hindi ka nakaka-hurt ng feelings."

"Bakit mas maganda ba talagang marinig ang matamis na kasinungalingan kaysa sa mapait na katotohanan?"

"Oo naman. Ikaw lang itong mahilig sa papaitan."

"Abah, ba-be-bi-bo-bu. Parang may tinutumbok 'yang mga pananalita mo, ha?"

"At natumbok ba?" nananalakab niyang sabi. Sinasadya niyang inisin ito upang lumabas na sa kanyang silid. Humihingi na ng pahinga ang kanyang katawan.

"Tse. Kumain ka na nga. Babalikan ko na lang ang mga kinainan mo," nakatikwas ang mga labing turan pagkaraan ni Emilia. Halos magmartsa itong palabas ng silid.

Nakahinga siya nang maluwag. Kaagad niyang inubos ang pagkain. Ang balak niya ay ilabas na lamang ng silid ang kanyang pinagkainan at pagkatapos ay saka siya magla-lock ng pinto. Siguro naman kapag nakakandado na ang kanyang pinto ay hindi na ito mambubulahaw pa sa kanya.

***

MAYROONG hindi tama, naisip ni Emilia. Likas na talaga siguro sa mga babae ang maging dudera. Napansin niya kasi ang panginginig ng mga kamay ni V. Na kahit sinisikap nitong umaktong normal ay hindi naman nito maitatago ang pamumutla ng kulay. Mukha itong may sakit. Naiinis man siyang pag-isipan nitong attracted dito ay hindi niya pa rin basta-bastang maiwawaksi ang ideya na baka may sakit ito.

Kung likas sa mga babae ang maging dudera, likas din ata sa mga lalaki ang maging pa-macho effect. 'Yong tipong kahit inaapoy na ng lagnat ay ngumingiti pa rin na parang walang iniindang sakit sa katawan para lamang hindi masabihang mahina.

VirgilWhere stories live. Discover now