Ang Lihim sa Likod ng mga Lihim

22.1K 863 20
                                    

Chapter Twenty Two

INILIGID ni Virgil ang tingin sa kanyang paligid. Nakatayo siya sa gitna ng isang abandonadong lote. Napaliligiran siya ng mga sirang bahay at giray na gusali na animo'y dinaanan ng malaking delubyo. May narinig siyang ingay ng naapakang sanga. Paglingon niya ay natagpuan niya ang isang babaing papalapit sa kanya. Nakasakay ito sa wheelchair habang tulak-tulak ng isang unipormadong lalaki na hula niya ay driver nito. Sa kung anong dahilan habang nauubos ang distansya sa pagitan nila ay kumabog ang kanyang dibdib. There's something vaguely familiar about her.

Nakasuot ito ng itim na sunglasses, malapad na sombrerong kulay itim din, puting blusa na walang manggas at itim na slacks.

Who is she--a client, perhaps? sa sarili ay naitanong niya.

Nang tanungin niya si Rusty kung sino ang taong gustong makipagkita sa kanya ay hindi siya nito direktang sinagot. Ang sabi nito ay malalaman na lamang niya sa sandaling magkita sila ng taong 'yon.

Tumigil ang wheelchair na kinauupuan ng babae ilang dipa mula sa kanya. Lumingon ang babae sa lalaking kasama nito, magalang iyong yumukod bago walang salitang umalis at iniwan na ang babae kasama siya.

Nagtataka man sa lahat ng iyon ay naghintay siya hanggang sa humarap ang babae sa kanya. Sa puntong iyon ay parang may bumara sa kanyang paghinga. Inabot ng babae ang suot nitong sunglasses. Tila siya ipinako sa kanyang kinatatayuan nang unti-unti iyong ibaba ng babae.

"Kumusta ka na...anak?"

"M-Mommy?"

"I see you have grown into a very fine man."

Oh, God! Nananaginip lang ba ako?

Nanikip ang kanyang dibdib at nag-init ang kanyang mga mata. Nang tuloy-tuloy na dumaloy ang kanyang mga luha ay wala siyang nagawa.

"God, y-you're alive?"

Sunod-sunod na tango ang sagot na nakuha niya sa babaing ngayon ay tigmak na rin ng luha ang mga mata. At walang duda, sa kaibuturan ng damdamin ay batid niyang ito nga ang kanyang ina. A bit older ngunit hindi niya maipagkakamali kahit kanino ang maamo at magandang mukha ng babaing nagluwal sa kanya.

Sa biglang bugso ng halu-halong emosyon ay parang biglang nanlambot ang mga binti niya. Ni hindi niya nagawang makakilos mula sa kinatatayuan. Ni ang kumurap ay ayaw niyang gawin sa pangambang maglaho ang imahe sa kanyang harapan at matuklasang nananaginip lang siya.

Bagama't mukhang hirap ay tinangkang tumayo ng babae mula sa kinauupuang wheelchair. Saka pa lamang nagawang tuminag ni Virgil upang tawirin ang distansyang naghihiwalay sa kanila.

"Mommy."

"How I miss you so, tiger."

Kapwa luhaang mahigpit silang nagyakap.

"What happened to you?" garalgal ang tinig na tanong niya kay Michaela Wong nang bahagya niya itong ilayo at tingnan ang mga binti nito.

"Mahabang kuwento."

"Puwes, kahit abutin tayo ng dekada rito ay makikinig ako."

Nangingiti-naluluhang ikinuwadro ni Michaela ang mukha niya sa pagitan ng mga palad nito.

"Napakatagal na panahong hinintay ko ang sandaling ito."

"Same here, Mom. Bagaman minsan ay napakahirap kumapit sa pag-asang magkikita-kita pa tayo. Nasaan nga pala ang kambal? Are they well?"

Napakagat-labi si Michaela. Impit itong napahagulhol sa mga palad. Muling nayakap ni Virgil ang ina.

"Nabigo akong maprotektahan sila. Nang makasilip ako ng pagkakataon ay tumakas ako kasama ng kambal. Nasukol kami ng mga tauhan ni Seung-Li malapit sa isang bangin. Aksidente kaming nahulog ni AJ samantalang si CJ ay nabawi nila sa akin."

VirgilWhere stories live. Discover now