Prologue

533 8 2
                                    

AN: Paalala na may mga typographical error ang story na ito, at may grammatical errors. Nawa'y maunawaan nyo pa din dahil after ng story na to ay irerevise ko naman para mas malinaw na mabasa at maintindihan niyo. Enjoy reading

"Aki! Kakain na! Jusko kang bata ka! Pano ka uunlad kung puro ka tulog" araw-araw na sambit ni Yolly sa kaniyang step-daughter na ubod ng maldita

"Oo na! Ito na! Maghintay!!"

Inayos nya ang kama niya at nagsuklay ng buhok. Kitang-kita niya si haring-araw sa pagdungaw nya sa bintana "Sana naman po swertihin na ako ngayon" sambit niya

Ito ang morning routine ng pamilya Santos, kakain ng sabay sa umaga. Apat silang nakatira sa kanilang tahanan

"Good Morning mga Maria ko" ito ang hyper na tatay ni Aki, Si Mr. John Santos na nagtatrabaho sa isang security agency

"Nako si Papa binobola pa kami" pabebeng sambit ni Yolly Dumangan, ang pangalawang asawa ni John masayahin at malambing na babae si Yolly

"Pa, wag mo kalimutan yung bagong cellphone ko ha" sambit ni Joy Cris, ang kaisa-isang anak ni John kay Yolly

"Nako anak marami pa tayong gastusin dito" tugon ni John, "Teka si Aki hindi ba sasabay?" dagdag nito

Hindi naman na magdalawang isip si Aki at dire-diretsong umupo sa kaniyang upuan

"Hindi mo man lang ba kami babatiin?" saad ni Yolly

"Para san pa?" tugon ni Aki

Cold hearted at loner si Aki sa kanilang bahay, hindi sila magkasundo ng kaniyang step mother at step sister

"May aapplyan akong trabaho, wag nyo na ako antayin sa hapunan" sambit nito at dali-daling umalis sa kanilang bahay

"Life is a choice, you can make a mistake but you will never have that mistake again"

Ito ang motto ni Aki sa buhay, simula ng nagkaroon siya ng panibagong ina ay madalang na itong makipag-usap sa maraming tao. Nagtapos siya bilang Accounting Student at nakakuha ng mataas na parangal

Lahat ng pasukan niyang interview ay pasado siya, pero hindi niya ito kinukuhang pagkakataon para magkaroon ng trabaho. Apply lang siya ng apply

"Aki naman magseryoso kana, limang kumpanya na tong tumatawag sayo" sambit ni Betty na best friend ni Aki simula pa nung elementary sila "Bahala sila dyan, wala akong interes sa kumpanya nila"

Easy lang siya kaniya ang makakuha ng trabaho pero ni isa ay ayaw niyang pasukan. Minsan nga ay tumatambay pa siya sa computer shop para mag laro ng online games

*ring
*ring
*ring

Sinagot niya ang tawag na mula sa isang unregistered number

"He--hello?"
"Is this Ms. Aki Santos?"
"Yes, why?"
"We want to have a personal interview"
"Sorry, I'm not interested"

Binaba na niya ang kaniyang cellphone at patuloy na naglaro. Nakatingin lang ang kaibigan niyang si Betty sa ginawa niya

"Aish, wag moko titigan ng ganyan. Para akong nakapatay ng tao sa ginagawa mo" sambit nito

"Paano ako hindi titingin sayo eh lahat ng tawag nireject mo! Ang dami-daming naghahanap ng trabaho dito sa pinas tapos ikaw sinasayang mo lang"

"Ayan!!! Natalo tuloy ako! Daldal mo kasi!"

Tumayo ito at lumabas ng computer shop, agad naman itong sinundan ni Betty. Napatigil si Aki ng makita ang isang babae na umiiyak sa gilid ng computer shop

Boss Series 1: Playboy BossWhere stories live. Discover now