CHAPTER 83

1K 16 0
                                    

Drew's POV

Nakailang lunok muna ako bago bumaba ng sasakyan. Janna and I are now here at Tagaytay to meet her parents. 

Yes.

To meet and make it again with them.

After what has happened, alam kong kinamumuhian ako ng magulang niya. Halos mahimatay ako sa kaba. I'm not sure kung matatanggap pa nila ako ulit. But we need to discuss things.

Ngayon lang ako ulit babalik dito after what had happened. Last time, after ng vacation namin sa Rest house namin ni Tom ay ginawa lang namin rason na uuwi kami ng Tagaytay pero ang totoo ay gusto na umuwi ni Janna para magpahinga.

"Let's go?" kalamadong yaya sakin ni Janna. She smiled pero bakas parin sa mukha niya ang kaba.

Inayos ko muna ang buhok ko at saka bumababa ng kotse. Papasok na kami sa gate ng when a familiar face comes towards us.

"Ma'am, sir, tuloy po kayo. Nasa dining area po ang magulang niyo. Naglalunch." it was Ate Dulce, their kasambahay.

"Thank you, ate." Iniabot ni Janna ang paboritong carrot cake ng Daddy niya.

Pumasok kami sa loob at nadatnang tahimik na nanananghalian ang parents ni Janna. Lumakas ang kalabog ng dibdib ko.

"Mommy, Daddy..." mahinang wika ni Janna, sapat upang mapalingon ang mag-asawa. Kitang kita ang pagkagulat ng mga ito ngunit napagmasdan kong may namuong luha sa mata ng Mommy niya.

Tumayo ito.

"Janna, anak." Niyakap niya si Janna kaya napabitaw ito sa kamay ko. Nanlamig ang katawan ko ng tumama sakin ang mata nito.

"Ma-magandang tanghali po." kumalas ito sa pagkakayakap kay Janna at matalim na tumingin sakin habang bumabalik sa upuan nito.

"Dulce, pahingi akong dalawang plato at mga kubyertos." sigaw nito.

"Maupo kayo." wika nito. Lumapit si Janna sa Daddy niya at humalik sa pisngi nito. Kahit halos mahimatay ako ay lumapit ako sa mga ito. Kinuha ko ang kamay nila at nagmano.

Mula sa nakasimangot na mukha ay ngumiti si Tita at humarap kay Janna.

"Napadalaw ka anak?" tumingin sakin si Janna saka nagsalita.

"Mom, Dad, I need to tell you something." Napaismid si Tita. Si tito naman ay poker face. Lalo akong kinabahan.

Sinandukan ako ni Janna ng pagkain matapos dalhin ni Ate Dulce ang plato.

"Gaano ba kaimportante yan at hindi mo nalang itinawag?"

"Mommy, gusto po sana..." hinawakan ko ang kamay ni Janna at sumenyas sa kanya.

Ako ang dapat magsabi nito.

"Tita, Tito..." paulit ulit akong lumunok. Ngayon lang ako pinagpawisan ng ganito sa buong buhay ko.

Magkasalubong ang kilay ni Tita na nakatingin sa akin.

"What?" para na kong hihimatayin.

"I wanna marry your daughter." napapikit ako matapos sabihin ang mga salitang yun. Panandaliang katahimikan ang bumalot sa dining area. Pinagmasdan ko ang gulat na mukha ng mommy ni Janna.

"Mom, Dad, we are planning to get married." usal ni Janna.

"Kasal?" biglang ngumisi ang nanay ni Janna.

"Gusto mong ikasal sa lalaking yan? Diba't halos ikamatay mo na nung lokohin at iwan ka niyan? Hibang ka na ba Janna??" nanginig ang buong katawan ni Tita. Bigla akong napayuko. Di ko siya masisi sa naging reaction niya.

BED MASTER  (COMPLETED)Where stories live. Discover now