CHAPTER 48

10.7K 103 4
                                    

Janna's POV

"Anak, kain na..." Nilingon ko si Mommy na ngayon ay nakatayo sa may pintuan ng kwarto. Maghapon na akong nakasalampak sa kama ko. Gustuhin ko mang bumangon at maging masigla, ayaw naman ng katawan ko.

Muli akong yumuko at isinalampak ang ulo ko sa unan, na hangang ngayon ay basang-basa parin ng aking mga luha. Naramdaman ko ang papalapit na yabag ni Mommy. Lumubog ang kama ko na simbolo na umupo siya sa may paanan ko.

"Anak..." Naiiyak ako pero pinipigilan ko.

"Mom, di po ako gutom..." mahina kong sabi, I'm holding back. Ayokong umiyak sa harap niya.

"Anak please... kagabi ka pang ganyan. Ako ang nahihirapan sa kalagayan mo." She hugged me from behind. And there it is! Napalakas na ang hikbi ko kasabay ng tuluy-tuloy na pagtulo ng luha ko.

"Cry baby...Sige lang, ilabas mo yan. Ma gusto ko na umiyak ka kaysa nakangiti ka nga sa harap namin pero we know that you are dying inside." Sa yakap ni Mommy, I felt comfort. Parang nabawasan lahat ng worries at pain sa dibdib ko. Mula ng umuwi ako kahapon from Makati and told them about my situation, I never showed them na sobrang hina ko. Sinabi ko sa kanila lahat in a strong way. Ni hindi ako umiyak sa harap nila at nagmalaki pang kaya kong buhayin ang anak ko ng wala ang hayop niyang ama. Siguro nga kaya kong linlangin ang mga tao sa paligid ko, pero ang lokohin ang sarili ko? Isa iyong malaking challenge. Hindi ako umiyak sa harap ni Mom and Dad pero nagkulong na ko sa kwarto ko magdamag. I didn't even bother eating dinner at ngayon, hapon na ay di parin ako nagaatubiling lumabas ng kwarto ko. Nalimutan ko na nga siguro ang salitang GUTOM dahil sa pinagdadaanan ko.

"Kaya mo yan anak. Nasa likod mo ako." This time I hugged Mommy back. Para akong batang inaway ng mga kalaro ko pero I don't even care. I'm hurting and all I can do is cry. Cry like there's no tomorrow.

***

"You like it?" tanong ni Mommy habang dahan-dahan kong nginunguya yung niluto niyang lunch. She's good in cooking. She cooked caldereta for me.

"Opo, Mom." I smiled at her, yung totoo at hindi mapagpanggap na ngiti. Totoong masaya ako na I'm at home. I feel safe and comfortable kasi. Hindi nagsasalita si Daddy habang kumakain kami. Hindi ko alam kung disappointed siya sa nagiisang anak or what. Nakakatakot yung pagseseryoso niya sa harap ko. I know he's mad dahil sa katangahan na nagawa ko. Since I was young, he was proud kasi nga and dami kong achievements sa school. Siguro lang hindi niya matanggap na kung kailan namang may isip at nasa tamang edad na ko, saka naman ako nagdala ng kahihiyan sa pamilya namin. :(

Paunti-unti kong naubos ang pagkain sa plato ko. Nakangiti naman sakin si Mom. I smiled back. Pero I Dad? He still has that poker face. Kinabahan ako lalo.

"More anak? Kain pa... Marami pang pagkain." Alok ni Mommy

"I'm good, Mom. Busog na po ako." nakangiting sabi ko sabay tayo para umakyat na ulit sa kwarto ko at takasan muli ang realidad.

"Are you sure? Tandaan mo anak, dalawa na kayong nangangailangan ng sustansya." sabi parin ni Mom sabay tingin sa tiyan ko.

Napahawak ako sa sinapupunan ko. MAY BUHAY SA LOOB KO at hindi ko siya dapat pabayaan. Muli akong umupo at kumuha ng saging sa basket na nasa center. Binalatan ko iyon at agad kinagatan. Kitang-kita ko kung paanong nawala ang pag-aalala sa mukha ni Mommy. Matapos kong kumain ng saging, nagtimpla agad ako ng gatas sa kusina, gusto ko rin makawala sa paningin ni Daddy. Sa tuwing makikita ko siya, nasasaktan ako para sa kanya. Alam ko kung gaano niya ko ipinagmamalaki sa ibang tao. Lagi niyang sinasabing "ITO ANG DALAGA KO, MAGANDA NA, MATALINO PA." Biglang kumirot yung dibdib ko. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Pinagtuunan ko nalang ng pansin yung gatas na tinitimpla ko.

BED MASTER  (COMPLETED)Where stories live. Discover now