CHAPTER 69

2.2K 43 10
                                    

Warning: SPG

-km

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

TOM'S POV

"Get in." Sabi ko sa mga bisita ni Dad. Nakauwi na siya dito sa bahay. It is a miracle na bigla siyang nagising at nagkaroon ng conciousness. Di ko napigilang maluha when I saw him fighting. After ilang days, nakauwi na siya sa bahay.

"Para kay Tito." Inabot nila ang basket na puno ng prutas.

"Thank you. Nagpapahinga pa si Daddy. When he wakes up, you can go inside his room." sabi ko. Ngumiti naman si Janna at Aki. Nakatingin lang sakin si Art.

"Where's Drew?" I asked.

"Nandun sa isa niya." Biro ni Aki. Tiningnan siya ni Janna at mariin na inirapan.

"Sige lang Aki. Simulan mo ko." Banta ni Janna. Natawa naman kaming tatlo.

"Joke lang naman. Di ka na mabiro eh." Tatawa tawang sabi ni Aki. Pinagmasdan ko si Janna. Alam kong napikon siya sa birong yun.

"Cool down Janna. Nagbibiro lang si Aki." Umirap si Janna.

"Pero tell us honestly, ano na ba talaga ang status niyo?" Sabi ni Art. Biglang sumeryoso ang mukha niya.

"At this moment, we are fixing things." Seryosong sabi niya. Nagtama ang mata namin. Nakita kong may lungkot sa mga mata niya.

"How?" Aki asked.

"He has his plans. Siya ang nakilos. Pero bago siya, may mga taong tumulong din saming dalawa. And I'm so grateful." Tumingin ulit siya sakin at binigyan ako ng matamis na ngiti. Bigla namang nahulog ang puso ko.

"As of now, all I do is trust him." Janna said

"The last time you trusted him, you caught yourself pregnant and was left alone." I said. Sumimangot siya sabay taas ng kilay sakin. Tumango sina Art at Aki sa sinabi kom

"Kaibigan ko ba talaga kayo? ang supportive niyo eh." Inis na sabi niya.

"Concerned lang kami sayo Janna." Sabi naman ni Aki.

"Kaya namin lampasan ni Drew to. I can over-power Theresa. Just wait." Mayabang na sabi niya.

***

JANNA'S POV

Gisang gisa na ko sa tatlong mokong na to. But I know na concern lang sila sakin bilang kaibigan. We were just taking merienda while laughing and chatting.

Bigla kaming natigilan when Mr. Lim's room opened. A petite and tall lady went out. She's wearing scrub suit with mask on her mouth.

"Excuse me po. Mr. Lim's already awake." She said.

"Guys, this is Belle, Dad's personal nurse." She removed her mask. She showed her cute face with a pointed nose and tiny lips. She smiled and her eyes sparkled.

"Hi po." Nagwave pa siya ng kamay. I think she's still young.

"These are Aki, Art and JANNA." Ramdam kong nilagyan niya ng diin ang pangalan ko. Napansin kong nagiba ang aura ng mukha niya. Yung kaninang pleasant niyang ngiti ay naging seryoso.

"Come. Magmeryenda ka muna. Join us." Tom said. Agad naman siyang umupo sa tabi ni Tom.

Nagpaalam na sina Aki at Art dahil may personal na lakad pa sila. Naiwan naman akong magisa coz Tom insisted na ihahatid niya ko pauwi. Pumayag naman ako coz I didn't bring my car. The couple drove me here.

BED MASTER  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon