CHAPTER 65

2.2K 55 3
                                    

DREW'S POV

"Okay na yan pare." Sabi ni Tom referring to the banana leaves we gathered para sa boodle fight. Pabalik na kami sa camp site.

Tahimik lang kami naglalakad. Di maalis sa isip ko yung nadatnan namin kanina. Si Tom at Janna, mahigpit na magkayakap. Kitang kita ko sa mga mata ng lalaking to kung gaano niya kamahal si Janna. Kumirot ang dibdib. Kung gugustuhin ko, pwede ko naman ipaglaban ang babaeng pinakamamahal ko. Masyado lang akong duwag. Sila na. Totoong sila na nga. Siguro natauhan na si Janna. Sobra ko siyang nasaktan. Hindi niya din naman deserve na humabol sa isang tulad kong gago.

Natigilan ako sa paglalakad ng mapansin kong nakaharap sakin si Tom. Nakatingin lang siya sakin.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang kamao niya sa mukha ko. Napabagsak ako sa lupa. Di ako lumaban. Sa ginawa ko kay Janna, kulang pa lahat ng iyon.

"That's for ruining Janna's life." Seryosong sabi niya.

"Tumayo ka diyan. Subukan mo ko." Dahan dahan akong tumayo hindi para gumanti kundi para iayos ang sarili ko.

Kinwelyuhan niya ako. Masama ang tingin nya sakin. Hinayaan ko lang siya. Alam kong galit na galit siya dahil sobrang sakit ang naidulot ko kay Janna.

"You don't know how much she suffers because of you. Mahal na mahal ka ni Janna Drew. Hindi ko alam kung anong katangahan yang sumapi sayo para lokohin siya!"

Napaluha ako.

"Mahal mo siya diba?" Hindi ako kumikibo.

"Tell me!!!!" sigaw niya. Itinulak niya ko at isinandal sa isang puno!

"You're the luckiest person for having her but you chose to break her heart. Naiinggit ako sayo Drew. Mahal na mahal ka ng taong mahal na mahal ko. Minsan naisip ko. Bakit ikaw pa? Bakit sayo pa siya nagkaganyan?" Nakita ko ring unti-unting lumuha si Tom. Putangina. Bakit ba naging ganitong kakumplikado ang lahat?

"I-I'm s-sorry...." Utal utal kong sagot mapigilan lang ang paghikbi. Nakita ko sa mapupulang mata ni Tom ang pagsusumamo. Gusto niya bang magkabalikan kami ni Janna? Hindi ko alam. Hindi ko sigurado.

"Putangina Drew, sorry??? Sa lahat lahat ng naidulot mong sakit, sasabihin mo saking sorry??"

"Wala kang alam na gago ka. Stop acting that you know my side. Akala mo madali sa part ko na ganyanin siya?"

Sinuntok niya ulit ako sa mukha!

"Then tell me!!! Tell her! Sabihin mo sa kanya kung may aasahan pa ba siya sayo. Dahil hanggang ngayon, wala siyang ibang gusto kundi ikaw!"

Nagpakawala ulit siya ng suntok.

Di parin ako nanlaban. Sunod sunod ang suntok niya hanggang sa mapatilapon ako ulit sa lupa.

"Kung hindi mo kayang ipaglaban si Janna, umalis ka na sa buhay niya.Wala kang kwentang lalaki!"

Naglakad siya palayo. Napaiyak naman ako.

.

.

.

.

.

.

.

.

***

TOM'S POV

Sumabog na ang loob ko kaya nagawa ko yun kay Drew. Iniwan ko siyang duguan. Alam ko namang hindi siya lalaban. Hindi ko kang talaga napigilan. Nagmamadali akong bumalik sa site.

BED MASTER  (COMPLETED)Where stories live. Discover now