PROLOGUE slash AUTHOR'S NOTE :)

228K 668 29
                                    

Author's Note :

Ehemm! Hello there guys. How will I start this ba? Ahmmm. Okay! Basahin niyo po mabuti ito ha para tayo'y nagkakaintindihan.

First of all, Itong story na ito po ay SPG. As in ES-PI-DYI. At alam ko namang alam nyo na ang ibig sabihin nun. May mga eksena ho sa istoryang ito na hindi PAMBATA kaya ayoko ng may mga magrereact na komo bastos, bargas, malaswa at kung anik-anik pa. SPG nga diba?

Pangalawa, ito ay hango lang sa napakalikot kong imahinasyon. Wala akong experience sa mga BS-BS na yan kaya pagpasensyahan niyo na kung di gaano kagandahan. At isa pa ho, wag niyo akong husgahan kung ganitong konsepto ang sinusulat ko. Hindi naman ako ganung klaseng tao. Sadyang nainspire lang ako sa isang writer dito sa watty dahil sa husay niya gumawa ng SPG stories. I based everything from what I've read. Humanga lang talaga ako sa taong yun kaya naisip ko tong kwentong to.

Sunod, dahil liberated ang ilan sa characters ko, may mga hash words akong gagamitin. May mura talaga para makatotohanan naman diba?

At huli ho, kung gusto o ayaw niyo man ng kwentong ito, you're free to leave comments. Mas gusto ko po yung kinicritic ang story ko. I find it challenging.

So nagkakaintindihan na tayo? Sana Oo.

-kei-em-

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

PROLOGUE

"Gusto kita, Drew " nakayuko niyang sabi. Kitang- kita ko kung paanong manginig ang buo niyang katawan. Kinakabahan ba siya o ewan?

Napalingon siya sakin nang humagalpak ako ng tawa.

"A-anong nakakatawa? Seryoso ako. Gusto kita." Halos mangiyak ngiyak siya habang sinasabi niya to. Hindi siya umaalis sa pwesto. Inaabangan niya siguro ang sasabihin ko..

"Tumigil ka nga diyan! Ang lakas ng loob mo umamin ah. Hindi kita gusto at kahit kailan, hinding hindi kita magugustuhan. Kilala ako bilang Bed master. Magaling sa kama, mahusay rumomansa. Eh ikaw? Ni hindi ka nga marunong humalik eh" Mas lumakas yung hagalpak ko.

Narinig ko siyang humikbi.

"Pwede ba wag kang umiyak na parang bata diyan. Hindi ako yung tipo ng lalaking nararapat iyakan. Tahan na"

Hinawakan ko siya sa balikat. Hinawi niya yung kamay ko at tuluyan niya na kong tinalikuran.

@@@@@@@

Sorry sa typos and spacing. Tablet lang po kasi ang gamit ko. :)

BED MASTER  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon