CHAPTER 64

2.2K 49 3
                                    

@@@@@@@



JANNA'S POV

"Baka naman hindi na sila sasama." Sabi ni Aki habang nakaakbay sa kanya si Art. Kanina pa kasi kami dito sa meeting place. 5:00AM yung call time namin. 5:23 na. Kanina pa namin iniintay sina Drew at Haliparot. Kanina parin nandito yung tour guide at van na nirent namin para ihatid kami sa venue.

"No. Sasama sila. Sabi ni Drew he'll just fetch that bitch then they'll immediately go here na. Ewan ko lang bakit wala pa sila."

"Wow ha? Talagang ininform ka? Sakit naman." Biro ni Art. Tumawa naman si Tom at Aki. Sinamaan ko sila ng tingin.

"Nagkasabay kami sa elevator kaninang mga 4:30. Mga hunghang." Inis na sabi ko.

"Pikon ka na naman." Tatawa-tawang sabi ni Tom sabay yakap sa likod ko.

"Hep! Ang alam ko magpapanggap tayo sa harap lang nina Drew. Wala pa sila, wag kang makachancing diyan."  I pushed him away.

"Okay. Fine." Then he put his hands off me.

"Matagal pa ho ba sila?" Kamot ulong tanong ni Kuya Jesi, tour guide namin.

"They're here." Sabi ni Aki habang habok tingin sa kotseng paparating.

Bumaba si Drew. Tatakbo siyang pumunta sa pinto sa passenger seat. Pinagbuksan niya ng pinto ang bruha. Nainis na naman ako. Ako naman dapat yun eh. Kami dapat ni Drew ang sabay na dadating.

Nanlaki ang mata ko sa nakita. That bitch is wearing a tube dress and doll shoes. Hello? Wasn't she informed na camping ang pupuntahan namin at hindi party? Drew went to the compartment to get their things. Yung gaga naman nakatingin lang sa direction namin.

Plastic akong ngumiti kay Theresa.

"Hi! Sorry to keep you waiting. Nasiraan kasi tong si Drew eh." Sabi niya. Plastikan ang labanan dito mga bes. Sige! Pagbibigyan ko siya.

"It's okay. By the way Drew, why not introduce her to them?" I told him na may insultong ngiti.

"Guys, this is my fiance, Theresa." Theresa smiled at us.

"Baby, this is Art and Aki." Baby pa talaga ha? Hayop na Drew to.

"And this is Tom..." seryosong sabi ni Drew.

"My boyfriend!" Proud na sabat ko. Nakita kong nanlaki ang mata ni Drew. Si Theresa naman ngumiti ng bongga. Well yan ang akala mo. Pakasaya ka ngayon.

"Ah talaga? Kelan pa? Akala ko kasi di ka pa totally nakakamove-on sa past mo." Bastos na sabi ng bruha. Ngumiti naman ako ng nakakaloko.

"Matagal na. Ang swerte ko nga kasi I found true love. Bibihira nalang kasi yung ganun Theresa. May kilala kasi akong napipilitan lang." Sumama ang tingin niya sakin. Nakangiti naman ako.

"Ah..Let's go?" Yaya ni Aki. Napansin niya kasing medyo may namumuong tensyon.

Pumwesto kami ng ayos sa loob ng van. Si Art and Aki nasa unang seat sa likod ng driver, nasa gitna kami ni Tom at sa dulo ang bruho at bruha.

Sa buong byahe, wala kaming ginawa kundi magharutan at maglambingan. Lahat may kanya-kanyang way para magpakita ng sweetness. Walang nagpapatalo. Napataea ako ng bahagya sa narealize ko. Reunion ba to ng mg ex ko? Haha.

After two hours, nagstop over kami sa Tagaytay para magCR and bumili ng mga gusto naming kainin.

"I love this day." Sabi ni Tom habang hawak kamay kaming namimili ng snacks sa isang convenience store.

BED MASTER  (COMPLETED)Where stories live. Discover now