CHAPTER 21

59.1K 362 18
                                    

Janna's POV

"Hey honey..." Sabi nung babaeng malaespasol ang mukha sa kapal ng make-up.

Umalis na si Riz. Naiwan yung babae sa tapat ng pinto ko.

Napatingin sakin si Drew. Humawak siya sa kamay ko.

"Theresa, umuwi ka na." Malamig na sabi ni Drew. Natatandaan ko na. Siya yung babaeng kasama ni Drew nung araw na umamin ako sa kanya. Naginit yung dugo ko.

"Why? Kahapon pa kong pabalik-balik sa unit mo tapos ngayon you're telling me to go home? Don't you miss me?" Halos magsalpukan na yung kilay ko sa pagsasalubong. Etong bitch na to. Di ba siya nahihiya?

"Fuck off Theresa! I'm with my girlfriend." Nakita kong nanlaki yung mga mata ni bitch. Tapos dahan-dahan niyang inilibot yung mga mata niya mula ulo hangang paa ko.

"Oh...I see...So may bago ka na palang victim Mr. Bed Master." Pinipigilan kong magalit. Alam kong sinasabi niya lang yun para masira kami.

"Theresa, ano ba! Tangina naman oh. Wag ka ng manggulo." Inilapit ni Drew ang katawan niya sa katawan ko. Ramdam niya siguro nanginginig na ko sa gigil.

"I won't go unless you talk to me sweetie." Malanding sabi ng bitch na to. Grabeng kalandian ng babaeng to.

Binitawan ko ang kamay ni Drew. Alam kong nagulat siya. Tinalikuran niya ang bruha at humarap siya sakin.

"Baby...wag kang magalit." Bulong sakin ni Drew. Hinaplos niya ang mga braso ko.

"Hindi ako galit. Talk to her" Nakita kong nanlaki ang mata niya.

"B-Baby...Hindi na kailangan."

"Kailangan Drew. Sige na. Kausapin mo na siya." I curved a fake smile.

Nagbuntong hininga si Drew. He kissed me on my forehead bago tuluyang sumama sa bitch na yun. WTF! I wish I made a right decision.

Naipikit ko yung mga mata ko nung narinig kong sumara ang pinto ng unit ni Drew. Syet. Nasa loob na sila. Ang boyfriend ko at ang bitch na yon. Silang dalawa lang.

.

.

.

.

***

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

***

Drew's POV

Pagsara ko ng pinto ng unit ko, alam ko na ang mangyayari kaya naiiwas ko agad yung mukha ko mula sa pasunggab na mukha ni Theresa.

Umupo ako sa couch. She sat beside me.

"So sweetie, kamusta yung bago mong laruan? Kasing galing ko ba?" Malanding sabi niya.

"Hindi Theresa. Iba siya. Hindi siya kagaya ng mga babaeng inaakala mo."

"Really? Bakit? Medyo inosente pa ba?" Iginagapang niya yung kamay niya sa hita ko.

"I'm serious about her." Nanlisik yung mata niya.

"Tingin mo papayag akong may seryosohin kang babae?" Unti-unti siyang lumalapit sakin.

BED MASTER  (COMPLETED)Where stories live. Discover now