CHAPTER 4

84.8K 463 26
                                    

AN

As I promised, here goes Chapter Four :)))

-kei-em-

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

Janna's POV

"Good Morning po Ma'am Janna" bati sakin ni manong guard

"Good Morning po..." Maganda ang ngiti ko sa kanya. Agad akong pumasok sa store ko. Meron pa kasi akong mga naiwang gawain sa table ko kahapon.

"Good morning Ma'am Janna" Nagmamadaling lumapit sakin si Aki. Nakangiti siya ng nakakaloko.

"Please Aki. Kung may nakakadiring bagay sa office ko, pakitanggal na. Ayokong masira ang araw ko." Napahinto ako sa tapat ng pinto ng office ko.

"No Ma'am. Wala pong nakakadiring bagay." Pagsisigurado niya.

"So, why are you smiling that way?"

"Nakakadiring tao lang po" Nanlaki yung mata ko. Syet! Napaatras ako.

"Aki!!!!Anong sabi ko sayo?" Pabulong na sabi ko sa kanya. Ayokong marinig nung gagong yun na nandito ako.

"Ang kulit Janna eh! Ang pilit-pilit niya kasi. Wala akong nagawa. Kausapin mo na kaya." Halos makagat ko yung dila ko sa sinabi niya.

"What? Makipagusap? No...A BIG NO! AYOKO NGA! HINDI! HINDI! HINDI!!!"

***

"How are you?" Tiningnan ko lang siya tapos yumuko ulit para laruin yung pasta sa plato ko. Sabi ko diba ayoko kausapin tong gagong to pero heto ako ngayon! Kausap siya. Eh ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na eh.

"Janna...." this time hindi ko siya nilingon. Padabog kong ibinagsak ang spoon and fork sa plato ko. Sumandal ako sa kinauupuan ako at nagbuntong hininga. Ipinapakita ko talaga sa kanya na bwiset na bwiset akong kasama siya.

"I have to go" Binasag ko na ang katahimikan ko. Agad niyang sinenyasan ang waiter. Tumayo ako at dali-daling naglakad palabas ng resto.

"Janna!" Hindi ko siya pinapansin. Walking distance lang ang clothing store ko from here.

"Janna please!" Hinablot niya yung braso ko.

"This is nonesense!" Sabi ko "Di ko nga alam kung bakit ako sumama sayo eh. Isa lang tong malaking kahibangan!"

Nakita kong bumagsak yung balikat niya. Buti nga. Kulang pa yan sa mga ginawa niya sakin.

"I'm so sorry."

Biglang kumirot yung dibdib ko. Syet! Ilang buwan na yung nakakaraan eh pero ramdam na ramdam ko parin yung sakit ng panggagago nitong hayop na to. Pinunasan niya yung luha sa pisngi ko. Takte. Di ko na pala napigilan yung nararamdaman ko. Umiiyak na pala ko!

Yayakapin niya sana ako pero bigla akong nagpumiglas. I pushed him away.

"Don't act na parang wala kang ginawang katarantaduhan. Kahit lumuhod ka sa harap ko, hinding hindi kita mapapatawad." Iniwan ko siyang nakatayong mag-isa. I quickly went to my store. Bwiset! Di ko dapat pinakita sa kanyang apektado pa ko eh pero yung lintik na luhang to, naguna-unahang bumagsak.

Sinalubong ako ni Aki.

"Manage everything here, Aki. I'm going home. I'm not feeling well." Tumango lang siya. Naguilty siguro. Siya kasi yung nagudyok sakin na harapin yung Art na yon. Eww! Nandidire talaga akong banggitin ang pangalan niya.

Nagdrive na ko papuntang unit ko. Ewan ko ba pero kusang tumutulo yung mga luha ko. Ang iyakin ko talaga! Ipinark ko yung kotse ko. Naglakad ako papuntang lobby. May mga bumabati sakin pero wala ako sa mood na pansinin kahit isa sa kanila. I approached the elevator then pressed number 12.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

At pag minamalas ka nga naman! Natanaw ko ang isang bwiset na nakatayo sa tapat ng pinto ng unit ko. Nakasandal siya pader habang nakapamulsa.

"Hi!" Magiliw na bati niya. Tiningnan ko siya ng masama.

"Awwww...you cried! Bakit? Dahil binasted kita?" Hayop talaga tong lalaking to. Ano bang ginagawa nitong lalaking to sa buhay at halos puro pasarap at pagtambay lang ang alam? Pambibwiset ba ang trabaho nito? Promoted na siguro to. Ang galing ng performance eh

"Pwede ba Drew. Wala ako sa mood ngayon ha. Tigil-tigilan mo nga ako!" Inirapan ko siya. Kinuha ko yung susi ko from my bag. I was about to open my door pero iniharang niya yung katawan niya.

"Wala ka sa mood? Gusto mo gawin kitang good mood?" He said it with a seductive voice.Nanigas yung katawan ko. Alam kong nangaasar lang siya pero bakit ang sarap pakinggan nung sinabi niya. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman kong may kumalabog mula doon. Yuck. Ang corny ko na pero totoo eh.

"Hey are you okay? I was just kidding" napansin niyang napahawak ako sa dibdib ko. Napatingin ako sa mukha niya at lalo pang lumakas yung kalabog. Shet. Ano bang nangyayari sakin?

Tumawa siya.

"Okay sorry. Masyado kang seryoso eh" umalis siya sa harap ng pinto ko para mabuksan ko na yon.

"Teka, anong ginagawa mo sa harap ng unit ko?" Lakas loob kong tanong.

" Actually, I'm waiting for you." Waiting for me? Ay hindi Janna! Waiting for you nga daw eh! Makulet?

"Why?" Medyo naexcite akong malaman kung bakit.

"Eh kasi...." binibitin pa ko ng loko.

"Bakit nga?" Pangungulit ko.

"I want you..." Seryosong sabi niya. Nanlaki ang mata ko. Did I hear him right?

"Y-you want me?" Biglang bumilis yung kalabog ng dibdib ko. Hey heart, quiet!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Yes Janna..... I want you............to clean my toilet." Nawala yung ngiti ko. Tae! Mabilis siyang tumakbo papunta sa pinto ng unit niya. Dumila muna siya bago isinara ang pinto niya. Narinig ko ang malademonyo niyang tawa. Shet siya! Bwiset talaga!Hindi ko alam kung pano siya nakakapagdala ng babae sa kama niya eh ang sama-sama naman ng ugali niya! Ang immature pa! Letse!

Nakakagigil talaga siya! Bwiset!

@@@@@@@@@@@@@@@@

AN

Hi guuuysss! Eto muna sa ngayon ha. Eh kasi mangangampanya kami eh. Tumatakbo kasi ang aking fadir as brgy. Councilor. Pero I'll try to publish Chapter 5 mamayang hapon. Nagtataka ba kayo kung sino si Art sa buhay ni Janna? Makikilala niyo rin siya soon :))

Sorry sa typos and spacing. Nakatablet lang po eh :-)

Pacomment and vote. Thanks!

Love ko kayo :)))

-kei-em-

BED MASTER  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon