CHAPTER 3

90K 503 16
                                    

AN:

:-) Guys, thanks sa votes and reads. Love ko kayo :))

-kei-em-

@@@@@@@@@@@@@@@@@

Janna's POV

"Good morning Ma'am" Bati sakin ni Riz, ang secretary nitong unit na tinitirhan ko. I smiled at her then she pointed the chair beside her telling me to sit.

"Miss Janna right?" I nodded.

"Ahmmm Ma'am, Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa, I got a complain about your annoying noise. Nakakagambala na daw po kasi kayo." Nanlaki mata ko. Kahit di niya man sabihin, alam kong yung Drew na yun ang walang habas na nagcomplain. Bwiset siya! Eh kung idemanda ko siya sa kamanyakan niya?

" Sorry Ma'am but you have to consider your neighbors. Wala naman pong masamang magpatugtog, basta po hindi kayo nakakaistorbo" Nakatingin lang ako sa kanya. Oo na. Ako na mali. Siguro isa tong babaeng to sa naikama na nung Drew na yun. Kung mapaboran naman nila yung lalaking yun, kala mo ang tinu-tino.

"Okay...noted" I stood up then walked away.

"Sorry po Ma'am!" Napalingon ako sa kanya at tiningnan ko siya ng WHAT-FOR look.

"Maling tao po kasi yung kinalaban niyo..." Maling tao? Panong naging maling tao eh MAY TAMA nga yung bwiset na yun. Di na ko nagtanong pa at iniwan ko siyang nagiisa. I went to the parking lot. Late na ko sa trabaho dahil sa walang kwentang bagay.

***

"Good morning Ma'am" bati sakin ng secretary/close friend ko, si Aki.

"Aki naman. Sabing Janna nalang eh. Nakakailang kaya." Nginitian niya lang ako.

Binuksan ko ang pinto ng office ko. Nawala ang ngiti ko sa nakita ko sa table ko,bouquet of red Roses and a breakfast. Tinapik ni Aki ang balikat ko.

"Remove those things on my table Aki. Sinisira ng mga yon ang araw ko" matamlay na sabi ko.

"Sorry Janna...Ang kulit-kulit niya kasi eh" Saka lang ako umupo when she removed it.

"Okay lang. But please, next time pwedeng wag ka na tatanggap ng anything from him? Kumukulo ang dugo ko eh" ipinatong ni Aki ang mukha niya sa table ko, nakahalumbaba siyang nakaharap sakin. She smirked.

"Pero wala na ba talagang pag-asa?" Sabi na eh. Tinaasan ko siya ng kilay tapos binato ko siya ng hawak kong papel sa mukha.

" Pwede ba Aki. Mandiri ka naman!" Tatawa-tawa siya.

"Bakit? Ayaw mo na ba talaga?" Kulit nitong babaitang to. Kadiri kaya. Tinuro ko yung pinto telling her to get out. Kinindatan muna niya ko bago siya lumabas.

Eww! Nadidire ako everytime maaalala ko yung lintek na lalaking yun. Sino siya? Nako! Basta saka ko na kekwento sa inyo! Ang alam ko lang, kinikilabutan ako everytime na may mababanggit na anything about him. At yung pagpapadala niya ng flowers? Takte! Nakakapangilabot! Basta! Hindi ko gusto na magkaroon pa ng any connection with that guy!

***

TOK TOK TOK!

Inaayos ko yung sarili ko habang iniintay na pagbuksan niya ko ng pinto. Hindi ko alam kung nasa loob yung Drew na yan. 10 pm na eh, baka nasa galaan pero nagbabakasakali parin naman ako.

Halos nakakalimang minuto na kong sumusubok katukin siya pero wala paring lumalabas. Sayang naman. Di ko siya makakausap ng ayos. Bumili panaman ako ng Krispy kreme donuts as a peace offering. Nagtataka ba kayo kung bakit ako makikipagbati? Eh kasi naman po narealize ko lang na mas maganda mamuhay ng walang kaaway. Isa pa, ako naman nga ang

may kasalanan.

This time medyo naubusan na ko ng pasensya. Nasa gimik nga siguro yung lalaking yun. Pervert talaga! Maga na nga paa, pinilit parin maglumandi. Eh ano nga naman ang pakialam ko?

Papasok na sana ko ng unit ko nang may humapit sa bewang. Napatili ako dahilan para takpan niya ang bibig ko. Shet baka rapist to. Oh no!

"Anong ginagawa mo sa labas ng unit ko?" Ewan ko kung bakit pero parang nakaramdam ako ng comfort matapos kong marinig na si Drew pala itong lalaking nakayakap sakin ngayon. Inalis niya yung kamay niya sa bibig ko para makapagsalita naman ako.

"Ah-eh" Nauutal na naman ako. Nahihiya akong aminin sa kanya na iniintay ko siya.

"Speak." He commanded. Iniharap niya ko sa kanya. Bakit biglang umurong yung lakas ng loob ko? Lintek naman Janna. Eto na si Drew oh. Gusto ko nga siya kausapin diba? Eh bakit nawala ang dila ko?

"This..." inabot ko sa kanya yung hawak kong donut.

"What's this? Ah...gets ko na. Nililigawan mo ko no?" Ngumisi siya! What? Ako? Nanliligaw? Aba! Ang kapal!

"Hindi no! Excuse me?" Inirapan ko siya

"Wag ka na mahiya. Okay lang naman eh. Sanay na ko ng ako ang nililigawan" bigla kong binawi yung donut na bigay ko. Tinalikuran ko siya. Nagbago na isip ko. Hinding hindi ako magsosorry sa bwiset na lalaking to! Ang kapal-kapal ng pagmumukha.

"Maganda ka sana eh. Malayo ka nga lang sa mga babaeng type ko." Sigaw niya. Natigilan ako sa sinabi niya. Babalikan ko sana siya para sagutin pa eh kaso narinig ko siyang tatawa-tawang sinara ang pinto ng unit niya. Bwiset siya! Bwiset talaga siya! Siguro nga we met to be mortal enemies!

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

AN

Owyeah! Sorry sa late UD. Inintay ko talaga yung 2 votes sa chapter two eh. Wait for the next update tomorrow. Sorry sa typos and spacing, nakatablet ako eh :-)

Sorry din for a very short UD. Medyo sabaw po.haha

Salamat sa inyo. Love ko kayo :)))

Please leave a comment naman oh. Pavote din po. Thanks. Mwah!

-kei-em-

BED MASTER  (COMPLETED)Where stories live. Discover now