CHAPTER 5

82.4K 470 20
                                    

Drew's POV

" Bye sweety. I had fun." She kissed me then went out of my unit. What's her name again? Anne? Anna? Angela? Ah ewan! Basta ang alam ko lang I met her few hours ago sa bar ng friend ko. Sumama siya sakin kaya ayun, ikinama ko.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama.11 pm palang Putek.Kaya pala hindi pa ko inaantok. Muli akong tumayo at sinuot ang boxer shorts ko. Hubo't hubad pa nga pala ko. Masyado nang nakakapanantsing ang hangin sa sexy kong katawan. Lintek. Kung anu-ano na napasok sa utak ko.HAHA. Kinuha ko yung sigarilyo at lighter ko. Kumuha din ako ng isang beer in can. Papantok lang. Makapagyosi na nga lang sa veranda.

Alas onse na pero matao pa sa labas. May mga sasakyan pa sa highway. Napagkakabusy nga naman ng siyudad na kinalakihan ko. Naalala ko, I was 8 years old nung simulang ipagawa ng mga magulang ko to condo unit na to. Tama kayo! Kami nga ang may-ari nitong building na tinitirahan ko. Kaya naman nagagawa ko rin kahit anong gusto. Sinimulan ko tong imanage nung mamatay si Daddy two years ago. Dalawa kaming magkapatid. Bunso ako, panganay naman si Ate Dessa. She's married with a rich business man na anak ng kaibigan ni Daddy. She has a lovely daughter named Ayessa. Sa Singapore siya nakatira ngayon. Si Mommy naman nasa bahay namin dito lang din sa Makati. We don't see each other often because of her active publishing company. She really loves books. Damn! Sobrang daldal ko na ata. Eh pano nababato na ko! Wala akong makausap. Alam ko namang interesado rin kayong makilala ako. HAHA.

Papasok na sana ko ng mapansing kong bukas yung sliding door ng kapitbahay ko.

AHA! I got an idea!

Agad kong pinatay ang sindi ng sigarilyong hawak ko. Nilaklak ko din agad ang lahat ng laman ng beer. Iniwan ko sa sahig yung mga basura ko.

Isinampa ko yung paa ko paliban sa veranda ng babaeng yon. Tahimik akong pumasok sa loob. Mabango naman. Amoy babae talaga. Ipinihit ko yung doorknob ng pinto ng kwarto niya. BUKAS! Unti-unti kong ibinukas yung pinto ng kwarto niya. Sumilip ako. Mahimbing siyang natutulog. Nakanganga pa! Kakaiba talaga siyang nilalang.

Iniwan kong bukas yung pinto ng kwarto niya. Tinungo ko yung kusina niya. Ano kayang makakain? Binuksan ko yung ref niya. Uuuyyyy. Andito pa yung donut na ibinigay niya sakin nung isang araw. Kumuha ako ng isa at dahan-dahan kong sinara yung ref niya. Palabas na sana ako ulit sa may veranda niya nang biglang.

BOOGSH! -tunog yan ng pagtama ng kung anu man sa likod ko.

Napaluhod ako sa lakas ng impact. Tangina. Para akong dinagukan ng higante. Nagulat ako ng bumukas yung ilaw.

"Drew?" Gulat na gulat si Janna. Hawak pa niya yung folding chair na inihampas niya sakin.

"You're really stupid!" Sinigawan ko siya.

" At ako pa ang stupid ha! Anong ginagawa mo dito?" Ngayon lang ako nakatayo. Dinampot ko yung nalaglag na donut tapos inihagis ko sa kanya.

"Makikikain lang sana!" Napakamot ako sa ulo. Ano nga bang ginagawa ko dito? Ay putcha! Natatanga na ata ako.

"Bakit di mo nalang ako kinatok? Hindi yang tinatakot mo ko!" Napatingin ako sa katawan niya. Nakasuot siya ng maiksing sleeping dress. Napalunok ako ng mapansin kong wala siyang bra. Lintek. May naramdaman na naman ako mula sa ibaba. Halata ko ring di siya makatingin ng diretso sakin. Wala nga pala kong pantaas.

Lumapit siya sa ref tapos kinuha yung box ng donut.

"Oh!" Inilagay niya sa lamesa. Umupo naman ako agad-agad. Gutom ako eh. Isa pa, muntik na kong natiyan dito nung isang araw. Ang babaw ko ba? Ganun talaga ko eh. Simpla lang naman akong tao.

"Manonood ka nalang ba diyan?" Ngumunguyang tanong ko sa kanya. Inirapan niya ko tapos umupo sa tabi ko. Kumuha siya ng isang donut sa box tapos dahan-dahan iyong kinagatan.

BED MASTER  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon