CHAPTER 56

7.3K 115 21
                                    

DREW'S POV

"Kahit yata ilang ulit mo kong saktan, paulit-ulit din kitang patatawarin Drew"

"Kahit yata ilang ulit mo kong saktan, paulit-ulit din kitang patatawarin Drew"

"Kahit yata ilang ulit mo kong saktan, paulit-ulit din kitang patatawarin Drew"

Paulit-ulit yung boses ni Janna sa isip ko. Hindi ko maabsorb yung sinabi niya.

Siya? Paulit-ulit akong patatawarin?

Hindi ba dapat matuwa ako dahil sa sinabi niya?

Una, napatawad na niya ko. Pangalawa, handa niya kong patawarin, whatever happens.

Pero.....

Bigla akong nakaramdam ng sakit. Mahal ko si Janna. Mahal na mahal ko siya. Sa pagpili ko kay Theresa, alam kong sobrang masasaktan siya. Paulit-ulit ko siyang masasaktan. Pero handa niya kong paulit-ulit na patawarin.

Tangina. Bakit kasi napakagago ko? Bakit kasi kailangang masaktan si Janna ng ganito? Nakamove on na nga siguro siya kaya napakaganda ng aura niya ngayon. Bigla akong napaisip. Bakit sinayang ko ang babaeng kagaya niya? Sa kabila ng kagaguhan ko noon, bakit pinili kong saktan ang babaeng tumanggap sa pagkatao ko? Bakit? Haaay!

Napabalikwas ako sa kama nang mag-alarm ang relo ko. 6:30 AM na. Babangon na sana ako ng magring ang phone ko.

Tss. Si Theresa lang pala.

"Oh?" Walang gana kong sabi

"Baby boy, hintayin kita ha. 8AM sa bahay ni Dad. Nandun yung bagong wedding planners natin. Si Dad yung kumuha sa kanila. I'm sure they are great. Wag kang malate. Please?" Humuhikab pa ko habang nakikinig sa kanya. Aba't nakahanap agad ng kapalit ang mga demonyo. Bwiset talaga.

"Ge." Then I ended the call. 

I readied myself kahit na tamad na tamad ako. After an hour, dahan-dahan akong lumabas sa unit ko.

Dahan-dahan akong naglakad palampas sa pinto ni Janna. Ano kayang ginagawa niya? Nanigas yung katawan ko nang marinig ko ang mahinang pagpihit ng doorknob ng pinto niya.

"Uy. Anong ginagawa mo diyan?" Tatawa-tawang sabi ni Janna. Napatingin ako sa sarili ko. Napamura ako nang makita ko ang nakakatawang posisyon ko. Nakaluhod ako at aktong nagsisintas.

BED MASTER  (COMPLETED)Where stories live. Discover now