Hangover

546 26 0
                                    

Paris' POV

Kinaumagahan nagising akong walang ate Gail at Tokyo sa tabi ko. Sa isang room lang kami natulog last night.

Sa kabilang room naman sila Kuya at Paul.

Lumabas agad ako ng room at hinanap sila Ate Gail. Nakita ko sila sa kitchen na nagluluto ng breakfast
Good morning Ate, Good morning Tokyo!

Gising ka na pala! Tapos na kami mag prepare ng breakfast!

Grabe Ate Paris, andito pala sila Kuya Chianti, hindi nyo man lang ako ginising kagabi!

Napakahimbing kasi ng tulog mo kaya hindi ka na namin ginising. Hindi mo rin naman gugustuhing mag alaga ng lasing kaya mabuti na tulog ka na lang

Iniripan lang ako ni Tokyo at nagpatuloy sa pagaayos ng table sa dining area,
Hay naku! Marami akong na-miss na kaganapan last night for sure! Napagod kasi ako kahapon, literal na antokyo japan ako hahaha natatawa nyang sinabi habang nilalatag nya ang mga plates sa table

Hahaha ayos yung hirit mo Tokyo ah, sagot ni Ate Gail habang hawak ng mga foods na niluto nya

Nilapag na nya ang mga ito sa table
Paris, katukin mo na sila, para makapag breakfast na tayo, I have to go na ng 8AM bawal ma-late sa flight

Okay Ate!

Pinuntahan ko sila sa room nila at kumatok

Paul's POV

Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa room. Babangon na sana ako kaso hindi ako makagalaw sa bigat ng nakadagan sakin.

Pagkatingin ko, nakayakap sakin si Kuya Chianti.

Oo nga pala, andito nga pala kami sa unit ni Ate Gail. Magdamag ba kaming magkayakap? Haha Ngayon masasabi ko na close na talaga kami sa isa't-isa. Haha

Pabangon na ko ng maramdaman ko yung sakit ng ulo ko. Sabi ko na eh sasakit talaga yung ulo ko, sa tindi ba naman ng alak na ininom namin last night.

Pinilit kong bumangon at dahan-dahang inalis ang kamay at paa ni Kuya Chianti na nakapulupot sakin, para buksan ang pinto.

Tumayo agad ako at binuksan ang pinto, muka agad ni Paris ang bumungad sakin, kung ganto ba naman ang bubungad sayo tuwing umaga, gaganda talaga araw mo.

Good Morning My Love! Miss mo agad ako? Ang aga pa, bakit kumakatok ka na?

Aga-aga assuming ka na! Pinapagising na kayo ni Ate Gail para magbreaksfast and she needs to leave ng 8AM. Kaya mag-asikaso na kayo.

Ahh! Okay, sige Love! Mag-ayos lang ako

Where's Kuya?

Tulog pa sya eh!

Naku, mahirap pa naman gisingin yan!

Pumasok sya sa room at dumerecho sa kama para gisingin ang kuya nya.

Kuya! Wake up na! Let's have breakfast! Aalis na si Ate Gail!
Nakaka-ilang yugyog na sya sa kuya nya pero ayaw parin nitong magising

Kuyaaaaaaa! Sigaw nya at bigla itong dinaganan
Kuyaaaaaa! Gising naaaaaaa!

After ilang seconds nagsalita si Kuya Chianti
Oo na babangon na, umalis ka na dyan, napakabigat mo!!!!

Hindi ako aalis hangga't di ka tumatayo dyan!

Pano ko makakatayo kung nakadagan ka sakin? Ang bigat mo mag-be-breakfast palang parang nakapag-lunch ka na

Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi ni Kuya Chianti, sinamaan ako ng tingin ni Paris
Aah, may pagtawa Paul Martin Sandoval? Lumabas ka na nga at mag breakfast!

Into YouWhere stories live. Discover now