💔

490 26 6
                                    

Paris' POV

Another week has passed hindi parin ako kinakausap ni Paul. Ewan ko pero unti-unti na kong nasasanay na hindi sya nakakasama. Mabigat parin sa loob ko na hanggang ngayon hindi parin kami naguusap eh anong magagawa ko yun ang gusto nya.

Napapagod na nga ako sa totoo lang, hindi ko alam kung darating pa ba yung araw na maguusap kami, kakausapin pa ba nya ako? May balak pa ba sya na kausapin ko? Para akong na-ghosting!

Bakit parang wala na syang pakealam sakin? Bakit natitiis na nya ako? Hindi na ba nya ako mahal? Alam kong mabigat yung kasalanan ko sa kanya pero hindi ko naman siguro deserve na i-treat ng ganito. Bakit parang ako yung sinisisi nya sa lahat ng nangyayari?

Sabihin nya lang kung ayaw na nya, para alam ko kung maghihintay pa ba ako o hindi na. I've had enough pupuntahan ko na talaga sya para linawin kung ano kami. Pakiramdam ko kasi ako na lang yung lumalaban eh.

Nalulungkot ako na umabot kami sa ganito. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ayaw nya parin akong kausapin. Mali na 'to eh!

Ang sabi ni Tito pumapasok na sya sa work. Work, bahay lang ang ginagawa nya. Sinusubsob nya yung sarili nya sa trabaho, kinakausap nya lang si Tito kapag may kailangan sya. Mabuti nga kinakausap nya si Tito eh ako? seen zoned lang palagi.

Nag focus na nga rin ako sa work ko para makalimutan ko sya eh kaso I really need to confront him para matapos na lahat ng 'to.

I still love him pero napapagod na kong mahalin sya. Gusto ko ng linawin ang lahat samin. Kung ano man ang kalabasan ng paguusap namin bahala na.

After work, I called at his office, ang sabi ng secretary nya umalis na daw si Paul dahil may i-meet daw sya.

Nakakainis! girlfriend ako pero hindi ko alam kung anong ganap sa buhay nya. Ako naman 'tong tanga kahit seen zoned sinasabi ko sa kanya yung ganap sa buhay ko. Tanga na nga siguro talaga ako.

I called his Dad
"Hello Paris? Kamusta ka na? Pasensya ka na ah, hindi ko alam kung pano kayo matutulungan na magkaayos, ilang beses ko na syang sinabihan pero hindi talaga sya nakikinig eh. Hindi ko na din sya maintindihan talaga, I'm so sorry wala akong magawa!"

"Wala po kayong kasalanan Tito! Choice nya na wag akong kausapin. Napatawag po ako kasi gusto ko lang po malaman kung anyan na sya sa house nyo"

"Wala pa, sabi nya he'll meet someone daw kaya mauna na ko mag-dinner"

"Sinabi nya po ba kung sino yung i-me-meet nya?"

"Hindi eh"

"Okay po, sige po! Tito pwede po ba sabihan nyo ko tomorrow kung andyan sya sa house, balak ko po kasi syang kausapin na"

"Sige Paris! Siguro tama nga na ayusin nyo na yung sa inyo. Salamat sa pagintindi sa kanya ah! Lagi kong dasal na sana maging okay na kayo"

"Yun din naman po ang dasal ko tito! Kaso yung anak nyo matigas po talaga yung ulo, I think I need to do something na para maayos na kami, I waited long enough, until now wala parin syang paramdam."

"Whatever happens Paris, wag mo syang susukuan ah!"

"Hindi ko narin po alam Tito kung kaya ko pa. Susubukan ko po! Sige po, bye!"

I ended the call.

I ended the call

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Into YouWhere stories live. Discover now