FO

582 32 3
                                    

The following day
Magi: Musta na, wala parin bang paramdam si Friend?
Paris: hindi na kami friends, fyi
Tala: grabe naman magselos 'tong si Paris hahaha
Paris: hindi nga ko nagseselos
Magi: eh anong tawag mo dyan?
Tala: Paris, si Ingrid at Paul magkaibigan lang talaga yung dalawang yun, highschool palang magkaibigan na sila, kung gusto sya ni Paul edi  sana matagal na nyang ni-level up ang friendship nila diba?
Paris: malay nyo hindi lang sila aware sa feelings nila sa isa't-isa tapos ngayon nare-realize na nila na maglevel-up
Magi: galing mo rin talaga mag-overthink. Ako based on my observation, Si Paul friends lang talaga tingin nya kay Ingrid, he made it clear nung natanong sya from one of his interviews before na kapatid since day 1 lang talaga sila. Ewan ko lang si Ingrid, feeling ko kasi may feelings sya kay Paul eh, hindi nya lang pa masabi sa ngayon
Paris: edi perfect, kapag umamin sya malay mo maisip narin ni Paul na gusto nya si Ingrid dba?
Tala: hay naku, Paris! Bakit mo ba pinupush si Paul kay Ingrid?
Paris: Marami kasing nagiisip na bagay sila, and I think totoo naman yun tsaka mas malalim yung pinagsamahan nila kesa sakin, tsaka for sure sya yung susuportahan ni Paul sa Ms. DLSU
Magi: nung nalaman nya na kasali ka sa Ms. DLSU sinabi ba nya sayo na susuportahan ka nya?
Paris: Oo
Magi: yun naman pala eh, anong sinasabi mo dyan na hindi?
Paris: noon yun pero ngayon, hindi na nga sya nagpaparamdam eh, ayy nag-message na pala sya kagabi
Magi: Yun naman pala eh, anong sabi mo?
Paris: hindi pa ko nag re-reply
Tala: bakit?
Paris: ayoko pa syang maka-usap. ano, he can message me anytime he wants? tapos kapag ayaw nya di
magpaparamdam? Hindi ako gaya ng iba na kapag nag message si crush titiklop agad noh! I know my worth!
Magi: ang lalim naman ng hugot, magrereply lang naman. Tanungin mo na kasi para malaman mo kung san ba kayo papunta, diba?
Paris: I'll ask him, pero hindi ngayon yung perfect time, gusto ko munang magfocus sa exams
Tala: replyan mo na si Paul, I know may reasons sya kaya hindi sya nagparamdam at hindi mo malalaman yun kung patuloy mo syang i-ignore
Magi: pahupain mo muna yung selos mo, makakapag-isip ka din ng maayos. Alam ko miss mo na sya!

Paris' POV:
Ayaw ko pa syang replyan, badtrip kasi ako sa kanya.

Ganto pala yung feeling ng nagseselos. Alam ko ang babaw ng reason pero hindi ko mapigilang mainis kapag naalala ko yung tawanan nila ni Ingrid eh. Naaasar ako kapag naiisip ko na magkasama sila.

Tapos ngayon malalaman ko pa na matagal na silang magkaibigan. Kaya naman pala sobrang comfortable nila sa isa't-isa tignan. Hindi pa tumawa ng ganun si Paul kapag kasama ako.

Tama nga siguro na tanungin na sya sa kung ano ang meron samin. Alam ko there's something between us, na hindi friendship lang yung gusto nya.

Matapos lang mga exams ko, ikaw naman ang haharapin ko Paul.

Paul Martin's POV:
Hay naku Paul! Matalino ka naman pero bakit tatanga-tanga ka pagdating sa mga gantong bagay?

Inuuna ko pa yung selos at pagiinarte ayan tuloy mukang ayaw na kong maka-usap ni Paris.

Pano pa ko aamin nito, kung ngayon palang ayaw na nya kong kausapin? Malamang kapag umamin ako basted agad ang verdict sakin.

San ko sya hahanapin ngayon? Whole day pa naman ang class ko.

Kausapin mo na ko Paris, please!



After ng last class ni Paris, nakipagkita sya kay Xander dahil ngayon ang last prep nila for the photo exhibit. They decided to stay at the library para pagusapan ito
Xander: sa wakas nasa last prep na tayo! Ready ka na ba? After the exam week, photo exhibit na
Paris: excited na ko, kaso di ko pa nagagawa yung entry ko. Exam week pa naman next week
Xander: edi do it this weekend
Paris: naisip ko narin yan, tutal nakapag-review naman na ko kahapon
Xander: basta next Wednesday yung shoot ko sayo ah!
Paris: oo naman, 2 exams lang yung sched ko nun, kaya pwedeng-pwede
Xander: thank you Paris ah, tinulungan mo ko sa project na 'to! You're a great help!
Paris: ano ka ba! No need to say thank you! Task 'to at I'm your friend kaya I'll help you as long as I can
Xander: wow naman, how lucky I am to have a sweet friend like you!
Paris: Naku ayan ka nanaman sa compliment mo! Simulan na natin yung last prep




Into YouWhere stories live. Discover now