Letter

449 23 1
                                    

Paris' POV

Week passed after Tita's passing,
We're here at her room fixing her things. I'm with Tito, si Paul kasi ayaw pang pumasok dito.

Simula ng mamatay si Tita hindi na sya masyadong nakikipag-usap. Mas maraming oras na he prefers to be alone. As much as I want to stay at his side I chose not to, kung yun yung makakatulong sa kanya, I'll let him.

Madalang na lang sya makipagusap at nagkukulong lang sa kwarto. Biglang nawala yung drive nya to live. Hindi ko alam ngayon kung pano ko sya ibabalik sa dati, as much as I want to help him alam kung sarili nya lang ang makakatulong sa kanya. Yung total healing sya lang ang makakagawa nun.

"Paris, salamat sa lahat ah hindi ka umalis since your Tita died. Masyado na ata kaming nakakaabala sayo"

"Wala po yun Tito! Para ko narin pong Mommy si Tita, sa totoo lang po hindi ko rin po alam kung pano ako makaka move on sa pagkawala nya, ang hirap pong isipin na hindi ko na sya makikita everyday"

"Mahirap talaga, kahit ako hindi ko rin alam kung pano ako babangon from this great lost. Palagi kong sinasabi kay Paul na kaya namin 'to! Tuloy lang pero sa totoo lang gusto ko nading bumigay, si Paul lang talaga yung kinukuhanan ko ng lakas ngayon. I have to be strong for him"

"All the pain will go away Tito let's accept and feel it for now. Matatapos din 'to, ang maiiwan na lang yung mga beautiful memories with Tita"

"I believe so too, Paris! Ang inaalala ko ngayon si Paul. Hindi ko alam kung anong nasa isip nya. Ni hindi sya masyadong nakikipagusap at nagkukulong lang sa kwarto. I don't know what to do with him, I don't know what's going on in his mind. kaya I'm thankful na andyan ka at hindi sya iniiiwan"

"Ngayon nya po ko mas kaylangan kaya hindi po dapat ako umalis sa tabi nya. Baka po yun yung way nya to deal with the pain, yung mapag-isa. Magiging okay din po sya, Paul is a strong man, kakayanin nya 'to!"

"Sa tingin mo ba tama lang na hindi natin sinabi sa kanya yung taning na binigay ng Doctor?"

"Hindi ko po alam, pero sa tingin ko po may malaking difference kung sinabi sa kanya yung tungkol dun! Medyo na-guilty nga po ako kasi hindi natin nasabi sa kanya yun eh"

"Ako din, hirap din kasing tanggapin nung nalaman ko yun. Pero yung Tita mo kasi eh matigas talaga ulo, maraming beses ko na syang sinabihan na sabihin na kay Paul kaso ayaw nya talaga eh"

"Ewan ko ba kay Tita! Nung sinabi nya rin po sakin na she only have 4months to live nagulo din po talaga yung sistema ko, palagi ko syang iniisip at nagaalala sa kanya at mas lalo po akong nabigla na umabot lang sya ng 2months"

"Ako din, pero the moment na we rushed her to the hospital I know she'll leave us na, she was so weak
at nagbibilin na talaga sya, I know na feel yun ni Paul"

"Tingin ko rin po, he messaged me that day na hindi daw sya makapag-focus dahil nagaalala sya kay Tita, gusto ko po syang puntahan nun kaso I can't dahil sobrang busy sa work, naisip ko rin na sana sinabi natin sa kanya na terminal stage na yung cancer ni Tita and she only have 4 months to live"

"Bakit hindi mo sinabi sakin?"

Nagulat kami ng makita si Paul sa pinto, we left the door slightly open kanina for sure naririnig sa hallway yung paguusap namin ni Tito.

Into YouWhere stories live. Discover now