Good Morning

474 24 6
                                    

Paul's POV

Ang sakit lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko and sad to say kasalanan ko kung bakit ako nasa ganitong kalagayan ngayon.

Totoo, simula ng mamatay si Mommy maraming beses akong nagkaron ng suicidal thoughts, yung mga panahon na nagkukulong lang ako sa kwarto, ang daming pumapasok sa isip ko.

Nung nakipag-break si Paris sakin. Yun yung naging wake up call ko para gumising na at bumangon na sa kalungkutan.

Nung na coma sya, dun ko na-realize lahat, habang tulog sya dun ako nagising. Naging sobrang selfish ako hindi ko namalayan na tinataboy ko na palayo yung mga tao na nagmamahal sakin.

Hindi kasalanan nila Dad,ako talaga ang may kasalanan at dapat sisihin sa lahat ng 'to. Naghanap lang talaga ako ng pagbabalingan ng lungkot, hindi lang talaga ako nagisip ng maayos.

Yung pagkawala ni Mom, sobrang nagpabagsak ng drive ko to live. Pero yung pagka-coma ni Paris yung nagbalik sakin sa buhay.

Ang sakit lang isipin na huli na ang lahat para itama yung nga maling nagawa ko kay Paris. Sumuko na sya, napagod na sya sakin.

Siguro nga nakakapagod akong mahalin.

Lahat ng pinagsamahan namin sinayang ko lahat yun. Yung 4years na relationship nawala lang ng isang iglap.

Yung dalawang importanteng babae sa buhay ko wala na. Si Mom hindi na babalik, si Paris SANA.

Hangga't may pagmamahal pa ko sa kanya kakapit ako sa pagasa na sana may chance pa, sana bigyan nya ko ng chance na itama lahat. Sana mabigyan nya pa ako nga chance na patunayan sa kanya yung mga promises na sinabi ko sa kanya noon.

Sana bigyan nya ko ng chance na makabawi sa mga pagkakamali ko.

Ipagpapatuloy ko ang buhay ko, sisiguraduhin ko na magtatagumpay ako, sisimulan kong baguhin at itama yung mga mali sakin.

Siguradong hindi natutuwa si Mommy sa mga nagawa ko. Kung andito lang siya malamang katakot-takot na sermon na ang natanggap ko dun.

Mom, Sorry ah! Yung daughter-in-law mo ayaw na akong maging asawa ang tanga kasi ng anak mo eh. Na sakin na binalewala ko pa.

Naputol ang pagiisip ko ng biglang may kumatok sa room ko, 'twas Dad, pinagbuksan ko sya ng pinto at agad naman syang pumasok

Yes Dad? May kaylangan kayo?

Nagtuloy-tuloy syang pumasok at naupo sa kama ko

Gusto lang kitang kamustahin

Sumunod ako at tumabi sa kanya

Dad, magkasama tayo sa office kanina,you know na I'm fine!

Ang gusto kong malaman, are you really okay? You know what I mean anak. I wanna know what's going on in your mind. Tayong dalawa na lang kaya dapat maging open tayo sa isa't-isa

Yung totoo Dad? Hindi,pero sinusubukan kong maging okay. Kinakaya ko naman, hindi ako okay kasi nagsisisi ako sa lahat ng maling nagawa ko sayo at kay Paris. I was really hurt and mad that time,naging insensitive ako hindi ko namalayan na nasasaktan ko nadin pala kayo. I'm sorry Dad!

Anak, hindi ka pa man nagso-sorry napatawad na kita. Naiintindihan ko yung reaction mo nung malaman mo na naglihim kami pero hindi ko inasahan na magagalit ka ng ganun. You even made it looked like Kasalanan lahat ni Paris yung mga nangyari. At mali yun, kahit sabihan kita hindi ka nakinig.

I'm sorry Dad!

Hindi ka dapat sakin mag sorry dapat kay Paris. Nakapag sorry ka na ba sa kanya?

Into YouWhere stories live. Discover now