Laban

502 27 6
                                    

Paul's POV

Kinakabahan ako, di ko alam kung pano sasabihin kay Paris ng hindi sya mag-aalala. Overthinker pa naman yun. Bahala na!

Tahamik pagdating namin sa bahay, kaya dumerecho ako sa room namin. Nakita ko silang mahimbing na natutulog.

Umupo ako sa paanan nila at pinagmasdan silang dalawa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Umupo ako sa paanan nila at pinagmasdan silang dalawa. Hindi ko talaga kayang iwan 'tong dalawang 'to. I want to spend more years with them. Kaylangan kong lumaban.

Nagulat ako ng biglang tawagin ako ni Dad, naiwan ko palang bukas ang pinto
Tulog sila?

Yes Dad

Kaya pala tahimik. Anak, can we talk?

Sure Dad.

Tumayo ako at sumunod kay Dad, dumerecho sya sa sala at umupo, ako naman pumwesto sa tapat nya
Tungkol san Dad?

Okay ka lang ba? Gusto ko lang malaman kung anong nararamdaman mo ngayon. Yung totoo anak!

Pilit na ngiti ang sinagot ko bago ako nagsalita
Yung totoo po? Natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi para sa mag-ina ko Dad! Totoo pala na kapag nagkaron ka na ng sariling pamilya, sila yung iisipin mo bago yung sarili mo

Naiinis ako sa sarili ko, bakit ko hinayaang magkasakit ako! Bakit ako? Ang daming gumugulo sa isip ko. Pano kung mamatay ako bigla? Hindi pa ko handa, hindi ako magiging handang iwan si Paris at yung anak namin

Lumapit sakin si Dad, at tinapik ang balikat ko
I'm sorry anak ah! Kundi dahil sakin di ka magkakaganyan. Ako talaga nagbibigay ng pasakit sa buhay mo. Sa family ko galing yang leukemia. Kaya pag nakikita kitang nahihirapan, I can't help but to feel guilty.

Napaiyak na si Dad
Feeling ko kasalanan ko lahat. Kung pwede lang na ako na lang, gagawin ko. Wag ka lang mahirapan, lalo na ang apo ko at si Paris.

Dad, don't blame yourself. Oo mahirap, pero having you by my side makes it bearable. Imagine kung hindi mo talaga kami binalikan ni Mom, wala ka sa tabi ko ngayon, kayo ni kuya Tope. Baka namatay na ko noon pa.
Kaya tama na Dad, wag mong sisihin ang sarili mo! Baka magkasakit ka pa eh!

Bilang magulang ayoko na makita kang nahihirapan at natatakot. Kaya siguro nagkakaganito ako.

Naniniwala ako na binabantayan parin tayo ni Mommy. Kaya tama na, wag ka ng malungkot. Hindi kita sinisisi Dad!

Niyakap ko sya ng mahigpit
Haaay! Totoo pala talaga yung kwento ni Mom noon, ma-drama ka at iyakin.

Naputol ang pag-da-drama namin ng bigla nanamang umingay at may batang tumakbo palapit sakin

Looooooove!

Agad kong sinalubong ang yakap nya
How was your sleep baby Love? Where's your Mommy?

Into YouWhere stories live. Discover now