LQ

694 29 1
                                    

Paris' POV

2 weeks na ang nakalipas simula ng marinig ko yung sinabi ni Ninong Dave about sa crush ni Xander.

Hanggang ngayon hindi ko parin sure kung totoo ba yun o hindi. Medj iniiwasan ko na din si Xander. Ewan ko ba hindi ko alam kung bakit ko sya iniiwasan, di ko alam kung bakit takot ako na ma-prove na ako talaga yung sinasabi nyang mahal nya.

Ilang days ko ding binalikan yung times na magkasama kami at dun ako isa-isang nakakuha ng hints. Hindi ko alam kong dapat ko pa ba syang tanungin about dun kung nag momove on na sya at may boyfriend na ko bakit pa diba?

Ayoko syang masaktan dahil he's my friend pero nasaktan ko na pala sya ng hindi ko alam. Sana talaga mawala na yung lahat ng sakit na he's feeling now at tuluyan ng maka-move on.

I'm so sorry Xander.

Pero baka okay na siguro na hindi na lang muna ako makipagkita sa kanya para mas makalimutan nya ako. That's the least that I can do for him.

Diba nga: Out of sight out of mind.

I will always be here for him pero hindi sa paraan na gusto nya. Sa totoo lang hindi naman sya mahirap na magustuhan kasi mabait at mabuti syang tao. Siguro nga kung mas nauna syang nagtapat baka siguro sya ang mahal ko ngayon.

Pero things happened, nangyari na ang dapat na mangyari. And I'm happy with my relationship with Paul. Sobrang saya. Kaya I wish happiness to Xander also dahil deserve nya rin maging masaya.

Hanggang ngayon kinukulit parin ako ni Paul about dun sa gumugulo sa utak ko, sinabihan ko naman na sya na okay na ko, pero pinipilit nya parin akong sabihin sa kanya kung ano yun.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya, baka kasi kapag sinabi ko mas lalo silang hindi maging okay ni Xander.

Ayoko naman na magkagulo sila ng dahil lang sa akin. Hindi ko talaga alam kung anong dapat kong gawin kay Xander.

Bigla akong bumalik sa ulirat ng tapikin ni Magi ang balikat ko

Hoy! Are you okay?

Okay lang ako. May iniisip lang

Anong iniisip mo, ilang days ka ng ganyan? May problem ba kayo ni Paul?

Wala. Okay kami ni Paul

Eh anong gumugulo sayo?

Magsasalita na sana ako ng biglang dumating si Tala
Hello girls! Kanina ko pa kayo hinahanap, di kasi kayo nagrereply sabi na andito lang kayo sa library eh.

Sorry girl, haha nakasilent kasi yung fone ko, eto namang si Paris malalim
yung iniisip. Sagot ni Magi

Lumapit si Tala sakin at sinipat ang noo at leeg ko
Wala ka namang lagnat. What's bothering you? You can tell us everything or anything right? Walang makakalabas, our lips are sealed.

Lumapit na rin Magi sa akin at hinawakan ang kamay ko Tala's right! kaya go Paris! Sabihin mo na. Kami lang 'to. You can trust us!

Umayos ako ng upo at sila naman umupo malapit sa pwesto ko. I told them lahat ng nasa isip ko, at yung tungkol kay Xander. Na-shookt si Magi sa kwento, si Tala naman parang inasahan na nya

Sabi ko na eh, nafi-feel ko narin talaga na Xander has feelings for you too. Hindi ko na lang ininsist pa sa inyo kasi ayoko naman syang pangunahan diba? Actually I was waiting for him
na umamin nadin eh kaso nagparaya na sya kay Paul.

Gulat na gulat parin si Magi
OMG! He likes you since high school? first love yun, friend. Mahirap yan huhu iba din talaga si Xander eh noh! Kaya pala wala akong nakitang niligawan nya noon, yun pala kasi may unrequited love sya

Into YouWhere stories live. Discover now