Yuppies

444 17 0
                                    

Paris' POV

9months narin ang lumipas after our graduation. Ang dami naring nangyari, si Ate Gail okay naman na sya sa Canada. Ina-update namin ang isa't-isa sa mga ganap namin sa buhay.

Hindi ko na sila tinanong kung anong napagusapan nila the night before umalis si Ate Gail. Sa kanila na lang yun labas na ko dun.

Pero sa tingin ko naging maayos yung paguusap nila. Mas naging magkausap na kasi sila ni kuya after nun. Bumalik yung closeness nila before, hindi sila pero alam mong reserved na sila. Basta ganun, haha gulo talaga ng dalawa na yun kahit kelan.

Si Kuya, topnotcher sa archi licensure exam, and he's now working with Dad tandem na sila sa business, at balita ko bilib ang mga partners ni Dad kay kuya. Syempre naman tatak Salazar ata si Kuya. Para saan pa't anak sya ng isa sa magaling na Architect sa Pilipinas diba?

Hindi na nga ko nagtaka na nag top sya sa exam na yun eh, aside from Salazar sya at anak sya ng isa sa magaling na Architect sa Pilipinas, alam kong magaling at matalino talaga si Kuya. He always put his heart sa lahat ng ginagawa nya.

Si Xander naman nag Masters abroad. 2 years din syang mawawala. Nagkakamustahan naman kami minsan kaso sobrang busy na nya ngayon.

Si Tala, umuwi muna ng Korea para makasama yung family nya. Si Magi may work narin sa isang TV station, writer at researcher sya dun.

Ako? Nag-wo-work sa isang publishing business, editor-in-chief ng mga magazines na nagiging model narin minsan haha may mga hostings din akong tinatanggap sa mga TV stations. Kulang na nga lang mag-artista ako eh haha

Nagsisimula palang kami lahat, eto na talaga yung tunay na buhay. Hindi na pwede na mag chill lang.

Si Paul, hinawakan na nya agad yung businesses ng family nya, sobrang busy nya narin, minsan nga hindi na kami nagkikita. Sobrang pagod narin siguro. Kahit ganun hindi parin nawawala yung communication naming dalawa.

Pero iba parin talaga yung nagkikita mg madalas ngayon kasi medyo madalang na lang. Ganun naman siguro talaga kapag professionals na, mas nag-ma-mature na hindi puro kilig lang.




Maagang natapos yung work ko ngayong araw kaya naisip ko na dalawin ang Mommy ni Paul.

Pagdating ko sa house nila sinalubong agad ako ni Tito

Paris, alam mo bang ang saya ng tita mo nung malaman nya na dadalawin mo sya!

Talaga po? Kumusta naman po yung last check up nya? Sabi nya po kasi sakin lat week may check up daw sya eh.

Nginitian lang ako ni Tito at ni-lead nya ako sa room ni Tita
Paris, kumusta?

Ayos naman Tita! Ikaw po?

Eto, wala namang pinagbago. Nahihirapan na pero laban lang!

Kaya nyo po yan!

Hindi na ata Paris!

Ano pong ibig nyong sabihin?

Nung sinabi ko sayo na may follow up check up ako last week, naalala mo pa?

Yes, Tita! Ano pong update?

Sabi ng Doctor, nasa terminal stage na ko eh. At ang sabi nya hanggang 4months na lang ang itatagal ko

Nanubig ang mga mata ko sa sinabi ni Tita, pinipigilan kong tumulo yung mga luha ko para mag mukang strong sa paningin nya pero nanlalambot talaga ako.
Tita, speculations lang naman yun, wala naman talagang makakapagsabi kung hanggang kelan ang buhay diba? laban at dasal lang po!

Into YouWhere stories live. Discover now