Phone call

431 21 0
                                    

Paris' POV

Pag-gising ko umalis na agad ako ng unit ni Magi para umuwi ng bahay.

I took a grab dahil pinag drive ng driver ko si Mommy.

While in the car naisip kong tawagan si Tito

I dialed his number, sinagot naman nya agad ito, kaso hindi nya boses ang narinig ko
Hello, Paris?

Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Paul, nag hello ulit sya kaya sumagot ako

Hi, nabalitaan ko kasi na gising na si Tito kaya napatawag ako. Bakit ikaw yung sumagot? Tulog pa ba sya?

Nasa restroom kasi sya

Ah, sige tawag na lang ulit ako

Hindi, wag mo na munang ibaba palabas na sya

Okay

After a few seconds boses na ni Tito ang narinig ko

Hello Paris!

Tito!!! Ikaw na ba talaga yan? Waaah! I'm glad you're back! Pinagalala nyo po ako ng sobra! Okay na po ba kayo?

Okay na okay na! Pasensya na at pinagaalala kita, nagrerecover ka pa naman

Kaya nga po eh, wag nyo na po akong pakabahin ulit ah?

Hindi na, magpapalakas na ulit ako. I'm happy to hear your voice again, anak!

Maka-anak ka naman dyan Tito! Haha

I treat you as my daughter, Paris. Kaya wag ka ng magulat kung tawagin kitang anak.

Aww! Thank you Tito! Sorry po ah hindi ako agad nakadalaw dyan kagabi

Ayos lang, kelan mo ba ko dadalawin?

Marami po ba kayong bisita ngayon?

Ngayon? wala masyado, nag punta na mga kapatid ko kahapon eh, at malapit narin akong lumabas kaya dapat dalawin mo na ako.

Talaga po? Lalabas na kayo? Sige po dadalawin ko po kayo later.

Sigurado yan ah!

Opo, promise!

Sige, hihintayin kita.

Sige po Tito, see you po!

Okay, bye.

Nakakatuwang marinig ulit ang boses ni Tito. Sa wakas gising na sya. Mukang nagiging maayos na ngayon ang lahat.

Hindi gaya ng dati na sobrang daming nangyari ngayon parang natapos na lahat ng unos, kalmado na lahat.

Ang sakit parin ng mata ko, tanga-tangahan moment nanaman kasi ako kagabi haha kapag naiisip ko natatawa ako sa sarili ko. Naalog ata talaga utak ko nung naaksidente ako eh. Ang gulo-gulo ko magisip.

I guess normal naman talaga masaktan kapag nakita mo yung ex mo na may ibang kasama, nasobrahan lang siguro ako ng arte kagabi haha

Makikita ko sya mamaya for sure kaya dapat focus lang ako kay Tito. Sya naman ang pinunta ko dun eh.

Keep your heart strong Paris. Wag ka ng papa-apekto sa kanya. Wala na kayo, masakit pero magpatuloy ka, okay?


Paul's POV

Anong sabi nya Dad? Pupunta daw sya? Tanong ko kay Dad pagkababa nya ng fone

Oo daw, mamaya sya pupunta. Anak, ako ang dadalawin nya hindi ikaw ah, bakit nangingiti ka dyan?

Into YouWhere stories live. Discover now