Apo

532 20 1
                                    

-video call continuation-

Nagsalita si Mommy
Enough Chianti! Tama na, hindi nakakatulong ang mga sinasabi mo! Hindi dapat tayo naguusap at nagsisihan ng ganito, naririnig tayo ng apo ko! Ayokong maramdaman nya na hindi sya welcome satin, isa pa makakasama kay Paris yung mga naririnig nya, saka na tayo magsisihan ang isipin natin ngayon yung apo ko!

Mommy, I'm sorry!

Anak, stop crying! saming lahat dito ako ang mas nakakaintindi sayo, hindi lang dahil sa Mommy mo ko kundi dahil pinagdaanan ko din yan, at alam ko na mahirap yan anak! At masakit sakin na pinagdadaanan mo yan ngayon. Paris, anak, Mommy will always be here for you! Alam mo naman yun diba? Hindi galit ang Mommy sayo, anak.  Galit ako sa ginawa nyo, mali pero may magagawa pa ba tayo? Kung magsisihan tayo may madudulot bang maganda yun?

Anak, galit ang Daddy pero hindi sayo at kay Paul, galit ako sa pagsira nyo sa tiwala ko sa inyo. Tama ang Mommy mo, mahal kita anak, mahal na mahal kaya wag mong isipin na magagalit kami ng sobra sayo, hindi ka namin matitiis lalo na sa kalagayan mo ngayon.

At ikaw Paul minsan rin akong naging ikaw noon, alam ko yung takot sa pagharap at pagtanggap ng lahat ng 'to! Hindi ako nagkulang sa pagremind sayo pero ginawa mo padin, I trusted you pero na-disappoint mo ko! Who am I to blame you eh ako din naman naging kagaya mo noon?!Naniniwala ako sa mga sinabi mo kanina, I know na you love my daughter. At sa kabila ng lahat ng nangyayari ngayon hinarap at tinanggap mo whole heartedly ang apo ko. Magpagaling ka at paguusapan pa natin ng maayos 'to. Hindi pa tayo tapos!

Ako hindi ko alam yung mararamdaman ko, kung sila Mommy at Daddy naiintindihan kayo ako hindi. Pero I trust my Mommy and Daddy's decision dahil higit sa lahat sila ang makakapg advice sa inyong dalawa.  And Mom's right hindi makakatulong kung magsisisihan pa. Paul, namumuro ka na talaga sakin! Magpagaling ka dahil lulumpuhin pa kita!

I'm sorry and thank you sa pangunawa Tito, Tita, Kuya! Promise po magpapagaling ako, hindi ko man po alam yung mga mangyayari, lalaban po ako! Hindi ko din po papabayaan si Paris!

Gaya ng sinabi ko hindi pa tayo tapos, pupunta kami dyan at maguusap tayo ng maayos, Paul, Paris!

Yes Daddy!

Anak, from now on i-uupdate mo kami lagi. Yung ultrasound mo meron ba? Ipadala mo samin. Pupunta kami dyan soon ng Daddy mo!

Paris, hindi galit sayo si Kuya ah! Kay Paul lang. Mahal lang talaga kita sobra kaya nagkakaganito ako. Alagaan mong mabuti ang pamangkin ko ah!

Yes Kuya! I love you too! Mahal ko kayo Mommy, Daddy. Sobrang saya ko na nasabi ko na sa inyo yung tungkol kay baby. Mas makakatulog na ko ng mas maayos ngayon. I can't wait to see you again soon!

Oh sya, tama na ang drama. Wag kang magpapagod anak ah. Totoo ba 'to? Lola na ako? Baka di ako makatulog nito!

Ako din, naunahan mo pa ang kuya mo, kaya siguro galit na galit 'to!

Hindi noh! Galit ako dahil naisahan tayo nitong Paul na 'to! Hoy Paul, humanda ka sakin kapag nagkita tayo!

I'm willing to catch your punches kuya deserve ko yun dahil ngayon hindi na talaga maling akala.

Tumahimik ka na nga, kapag nakikita at naririnig kita mas lalo akong naiinis eh!

Kuya naman eh! Sinabi ko na nga diba parehas naming ginusto yun

Ikaw din tumahimik ka nadin, bye!

-video call ended-

Paris' POV

Into YouWhere stories live. Discover now