Bawal tumawa

650 37 9
                                    

The following day
Magi: may gagawin ba kayo ni Xander ngayon? Dami nating free hours today
Paris: wala muna, sabi ko kasi magrereview ako ngayon kasi marami tayong tests next week, kaya tinapos ko na yung mga ibang gagawin dun sa project. Mag-library ako with Tokyo
Magi: gusto ko sana sumama kaso nag-aya si Marc, si-net na nya to kahapon pa
Tala: ako din eh, may lakad din





Ingrid: 'tol!!! Long time no see ah! Wala man lang paramdam? Busy ka ba?
Paul Martin: oo eh, Ingrid yung tungkol sa Ms. DLSU, ano kasi
Ingrid: si Paris yung susuportahan mo?
Paul Martin: sorry pero okay lang ba? Don't worry I still support you, I believe in you, 'tol!
Ingrid: kaso si Paris yung gusto mong manalo? Sakit naman 'tol!
Paul Martin: hindi naman sa ganun, syempre may the best woman win diba!kaya laban lang!
Ingrid: oo nga pero syempre you're rooting for her, daya mo ako nauna eh, sabi mo ako susuportahan mo?
Paul Martin: hala sya! Susuportahan parin naman kita kaso
Ingrid: mas susuportahan mo si Paris diba?
Paul Martin: sorry na! Bawi ako sayo! Don't be mad at me, please!
Ingrid: Eto naman, masyadong seryoso! Naiintindihan ko, okay. Sige lang, pakita mo suporta mo sa kanya, oo nakakatampo ng konti pero alangan namang pigilan kita diba?
Paul Martin: Thank you 'tol! Galingan mo ah.

Naglalakad sila Paris ng makita nila sila Paul at Ingrid na nagtatawanan from afar
Magi: Si Paul at Ingrid yun ah!
Tala: Oo nga, hindi pa sya nagmemessage sayo since nung Monday diba? Lapitan natin, Paris!
Paris: wag na, hayaan mo sila. Hinihintay narin kasi ako ni Tokyo sa library, ire-review ko rin kasi sya eh.
Magi: okay, sige. Una na ko sa inyo ah
Tala: sabay na ko sayo palabas! See you later Paris
Paris: sige!! Bye, ingat kayo!

Nagpatuloy sa paglalakad si Paris
Girl 1: Si Paul at Ingrid yun ah! Mukang kapatid since day 1 no more na ah, tignan mo kung magtawanan parang wala ng bukas haha
Girl 2: In fair, bagay sila noh? Hindi na nga ko magugulat kung bigla na lang maging sila eh, feeling ko crush nila yung isa't-isa eh hindi pa nga lang nila nare-realize
Girl 1: muka nga! For sure all out support nya kay Ing, lalaban sya sa Ms. DlSU diba?
Girl 2: for sure!!!! Palagi naman yang naka-support kay Ing, kapag may mga events na involved sya eh
Girl 1: baka naman sila na, hindi lang umaamin haha
Girl 2: let's see!

Paris' POV:
Ah, kaya pala walang paramdam, change of heart nga!!

Totoo naman yung sinabi ng mga girls kanina, bagay naman talaga kayo! Sige lang, magtawanan lang kayo dyan.

Sarap ng tawa Paul ah. Saya ka? Sige. MAGSAMA KAYONG DALAWA.

Kabagan ka sana sa kakatawa, pa-Paul ka.

Makapag-aral na nga lang.

After a few minutes nakarating na sya sa library, pagkakita nya kay Tokyo lumapit na agad sya dito at binagsak ang mga libro sa table
Tokyo: okay ka lang, ate?
Paris: Ewan ko, hindi ko alam *pasigaw*
Librarian: lower your voice, please!

Umupo si Paris at nag-sorry
Tokyo: ano bang nangyari sayo, ate? Bakit ang init ng ulo mo?
Paris: yung magaling na Paul na yun, ayun andun sa labas nakatambay at nakikipagtawanan sa Ingrid na yun. Kaya pala walang paramdam kasi laugh pa more sya dun sa labas
Tokyo: hahaha selos ka?
Paris: ako nagseselos? Excuse me, ako talaga? Hindi noh! Kahit magtawanan pa sila maghapon sa harapan ko, wala akong pakealam.
Tokyo: hindi ka pa nagseselos sa lagay na yan ah, ewan ko sayo ate hahaha cute mo mag-selos
Paris: hindi nga ko nagseselos, okay?
Tokyo: nilapitan mo ba sila?
Paris: at bakit ako lalapit? Sya nga di nagawang mag message man lang tapos ako lalapit sa kanya? Manigas sya noh! Teka nga block ko na sya
Tokyo: grabe! FO na agad? Hahaha
Paris: hindi na sya nagpaparamdam eh ano pang silbi nya sa FB friends lists ko diba?
Tokyo: ate, halos 4 days palang naman eh, kausapin mo kaya sya para hindi ka nanggigigil dyan
Paris: hay naku! Wag na nating syang pag-usapan, nasisira lang araw ko eh, mag-aral na tayo!

Into YouWhere stories live. Discover now