Walang bitawan

702 38 7
                                    

Paul's POV
Maganda ata talaga ang gising kapag inspired. Mas na-e-excite na kong bumangon ngayon. Before kasi basketball, studies and si Mom yung reasons ko para magpatuloy pero now na Paris is in my life now, mas lalong nagkakulay ang buhay.

Until now, hindi parin ako makapaniwala na girlfriend ko na sya. Crush ko lang sya noon pero ngayon I am free to express all my feelings for her.

Excited na ko na makasama sya sa buhay ko. Excited sa memories na bubuuhin namin together. Excited ako sa lahat.

I texted her na I'm outside their house na. Lumabas ako ng car at hinintay sya. Nung nakita ko sya na papalapit sakin, I can see my world standing in front of me. Nawala ako sa pag-de-day dream ng tinapik nya ang balikat ko

Hey! What are you thinking? Nakangiti at kunot noo nyang sabi.
Wala, natulala lang ako kasi ang ganda ng girlfriend ko. Let's go?!

I opened the door for her at agad akong pumasok after nya. I started the engine and drive syempre with my other hand holding hers.

How was your sleep? Tanong ko.

Masarap tulog ko. Siguro kasi ang daming nangyari yesterday kaya bagsak talaga ako. Ikaw? Nakangiti nyang tanong habang nilalaro ang kamay ko

Hindi ako masyadong nakatulog kakaisip sa girlfriend ko. Nakakapuyat pala talaga pag may lovelife noh?

Ewan ko di naman ako napupuyat eh. Ikaw lang. patay na patay ka lang talaga sakin hahaha

Baka nga! I kissed her hand
Marami ka bang friend request at followers ngayon?

Oo, mukang marami ng nakakakilala sakin after last night. Napapout sya

Marami bang guys ang nag add at nag follow?

Oo, mas maraming guys kesa girls.

And you accepted all their requests?

Naka-pending pa. Hindi naman kasi talaga ako nag-a-add ng mga tao na hindi ko kilala.

Nakahinga ako ng maluwag  sa sinabi nya. Buti na lang yung girlfriend ko may pagka-anti social haha hindi ako masyadong magaalala tuwing nag so-social media ka.

Bakit ikaw, marami kang girl friends?

Isa lang girlfriend ko, ikaw lang!

Alam ko marami kang followers at girl friends sa social media noh?! Pa-fall ka eh

Kahit gano pa sila karami hindi naman sila ang gusto ko. Ni hindi ko nga nila-like mga posts nila eh.

Weh? Kahit sexy yung mga posts nila?

Binibilisan ko na lang yung pag-scroll!

Hay naku! Paul Martin Sandoval! Ang talim ng tingin nya sakin. ang cute talaga ng jealous version nya, ang sarap nyang ibulsa

Bakit? Hindi ko naman tinitignan, siguro kung ikaw baka i-save ko pa. Pero syempre bawal ka mag-post ng mga sexy photos. Okay?

Hindi naman ako nag po-post ng ganun. Pero siguro sa coronation sa swimsuit portion.

Hay naku! Kung pwede lang na alisin yung portion na yun gagawin ko talaga.

Into YouWhere stories live. Discover now