Chapter XIX

7.2K 230 18
                                    

Note: Dahil may hang-over pa rin ako sa Titanic, naisip kong mag-update. Oo na. Ako na 'yung late. Kung hindi lang kasi namin ito gagawan ng Movie review sa literature, baka hindi ko pa rin 'to napapanuod. Pero grabe lang. Hindi ako nito pinatulog kagabi. Bakit tragic? Bakit namatay si Jack? Bakit walang forever! Hahaha. Para tuloy nagustuhan ko 'yung mga tragic ending. Baka magbago 'yung thoughts ko sa ending ng HS. Bahala na. :D

* Reggo

" Bae... pa'no pala 'yun? " tanong ko kay Nix.

Nandito kami sa playground malapit sa tinitirhan naming village. Wala kasing masyadong bata kasi may pasok sila kaya halos walang tao. Magandang oras para sa mga taong gustong magrelax. Naihilig ko na lang 'yung ulo ko sa kanyang balikat habang lalo naman niyang hinigpitan 'yung pagkakayakap sa aking balikat.

" Ewan ko Bae. Pero kung sakali, kaya naman natin ng LDR diba? Oo, physically, magkahiwalay tayo pero hindi naman 'yun 'yung importante diba? Ito. " sabay turo niya sa dibdib ko. " 'Yan ang importante. As long as alam nating magkasama 'yung puso natin, kahit siguro nasa ibang planeta tayo, kakayanin natin. "

Napangiti naman ako bahagya. Naiintindihan ko naman 'yung gusto niyang iparating. Na hindi lang sa pisikal nasusukat ang pagmamahalan. Pero siyempre, hindi ko pa rin maiwasang hindi nalungkot. Iba pa rin 'yung kasama mo mismo 'yung taong mahal mo. Iba pa rin 'yung may yayakap sa'yo sa tuwing nalulungkot ka, 'yung may hahawak sa kamay mo sa tuwing nararamdaman mo na mag-isa ka.

" Pero bae... "

" Ssssh. " inilagay niya 'yung hintuturo niya sa labi ko. " Sulitin na lang muna natin 'yung oras na mayroon tayo ngayon. 'Wag muna nating isipin 'yun. Ok ba? " tumango na lang ako.

" Reggo... ? "

Bigla akong napabalikwas at napabalik sa diwa kong ng may tumawag sa pangalan ko't tumapik sa balikat ko.

" Ay... sorry. Nagulat ba kita? " nangiti lang ako sa kanya. Tumabi siya sa katabing swing na inupuan noon ni Nixon noong huling pagkikita namin dito sa Pilipinas bago siya bumalik ng America. Diba doon siya nag-aaral? " Mukhang malalim 'yang iniisip mo ah? "

" Wala 'to. Pagod lang. " sagot ko.

" Ako ba 'yan? " nabigla naman ako sa tanong niya kaya napatayo ako ng hindi sinasadya. " Teka. Teka... sorry na. Nagbibiro lang ako. " tapos inalalayan niya ako paupo ulit.

" Alam mong ayoko ng ganoong biro diba, Gray? " seryoso kong tugon dito.

Napakamot na lang siya sa batok niya at napatungo. Cute. Oo, cute lang! Wala ng kasunod.

" Sorry na. "

" Huhulaan ko 'yung iniisp mo... si Nixon 'yan 'no? " napatingin ako sa kanya.

Hindi ko alam kung anong irereact ko. Kitang kita ko sa kanya na nakangiti siya habang itinanong niya sa akin 'yun pero iba 'yung nakikita ko sa mata niya. Ayokong isipin na nasasaktan siya sa amin ni Nixon pero 'yun 'yung nakikita ko.

" Pa'no mo nalaman? " patay malisya kong tugon. Pero sa totoo, gumulo 'yung utak ko sa nakita kong emosyong bumabalot sa mata niya.

" Madali ka namang mabasa eh. Tsaka narinig ko sa kanila kahapon na bumalik na daw siyang America. Bakit hindi siya mag-stay na lang dito? Andito naman 'yung boyfriend niya, isa pa... hindi na naman siya mahihirapang mag-adjust kung sakali. "

Napabuntong hininga na lang ako.

" Sana naisip niya 'yang iniisp mo. " biglang may sumagi sa utak ko. " Ikaw? Kamusta ka na? "

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon