Chapter VIII

8.9K 307 137
                                    

Note: Short update. Gusto ko lang tapusin na 'yung gabing ito sa kwento para sa next update ko ay bagong setting at oras na ulit. Sana magustuhan niyo. Salamat :)

Jandrix sa left side :) 

* Jandrix 

" Gray! Ano ba... kinakausap kita! " pero ni lingon ay hindi man lang siya nag-effort na gawin. Sa halip ay dire-diretso lamang siya ng paglalakad na parang walang nakikinig patungo sa kwarto namin.

" Gray! " 

Tumakbo ako at kaagad ko namang nahawakan ang kanyang braso at iniharap ito sa akin. Noong makita ko 'yung mukha niya, hindi ko maipaliwanag. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ngayon ko lang siya nakitang lumuha matapos ang ilang buwan ng paghihiwalay nilang dalawa. Ngayon ko lang siya nakita na parang litong-lito, na parang batang hindi alam ang gagawin. 'Yung pagkawasted niya, sagad sa buto. Naging dahilan 'yun para sumikip 'yung dibdib ko. Oo, masakit kasi nararamdaman kong on the rocks 'yung relasyon namin. Pero mas masakit na makita siyang nagkakaganito. 

" Look... " tapos bigla niyang inilagay 'yung kamay niya sa ulo niya at napailing na lang. " Let's talk about this tomorrow. Pwede? " 

" Hindi, Gray. Gusto ko ngayon na. " mahinahon kong sabi. 

Pumasok siya sa kwartong nakalaan sa amin.

" Ano 'yon? Ba't ganon? Anong ibig sabihin 'nung kinanta mo kanina? " puno ng emosyon kong itinanong sa kanya kahit alam ko na 'yung sagot. At the back of my mind, umaasa pa rin ako na wala lang 'yon.

Huminga lang siya ng malalim at saka tumingin sa bintana. 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon