Chapter XLVII

4.9K 193 37
                                    

A/n: 5-7 chapters na lang siguro 'tong Hello, Stranger. At saka, maiiksi na rin 'yung mga susunod na chapters.





*Reggo







Ilang linggo matapos lumipas 'yung mga pangyayaring hindi madaling kalimutan, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gulong gulo na ako eh. Hindi ko alam kung anong dapat paniwalaan ko, kung anong dapat sundin ko. Kung totoo bang tama 'yung desisyong ginawa ko o pinapaniwala at kinukumbinsi ko lang 'yung sarili kong paniwalaang tama 'yung ginawa ko?




Dalawang araw matapos 'yung pag-uusap na namagitan sa amin ni Gray, napagdesisyunan ko noong hindi pumasok. Hindi ko alam eh. Basta ang bigat bigat ng katawan ko. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Ang bigat bigat ng puso ko. Pilit bumabalik sa akin 'yung ala-ala na tinawag niya ako sa buo kong pangalan. Mr. Redentor. Tinanong ko 'yung sarili ko noong mga oras na 'yun. Handa na nga kaya talaga ako? Handa na ba talaga kong itapon na lang lahat lahat? At kung sakali mang mali ako ng desisyon, handa kaya ako na tanggapin 'yung kapalit?





"Doon tayo sa may gilid." casual na sabi ni Jed.





Magkakasama kaming tatlo. Ako, si Jam at si Jed. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw dahil bukod sa hindi ako mapakali sa ambiance naming tatlo, hindi rin matahimik 'yung kalooban ko.




Ipinatawag pala lahat ng graduating student dalawang linggo mula ngayon. Sa makatuwid, gagraduate na kami. 'Yun nga, gagraduate na nga kami. Pero bakit hindi ko magawang maging masaya ng buo? Proud naman akong ibalita na sa barkadahan namin ay wala namang nagkaproblema. Una kong naisip noon si Gray, dahil diba? Palagi siyang ipinapatawag ng chairman nila? Mabuti na lamang at hindi iyon nakaapekto.




Si Gray na naman. Bakit ba palaging ganito na lang palagi? Nag-desisyon na ako eh. Ang sabi ko, hindi ko na siya kailangan, na hindi siya kawalan, na ok lang sa akin na mawala siya. Pero bakit ganito? Palagi ko na lamang siyang naiisip. Ano kayang ginagawa niya? Sino kayang kasama niya? Hindi ko lang magustuhan kasi paano ako makakamove-on sa panlolokong ginawa niya sa'kin kung bawat minuto, siya 'yung laman ng isip ko? Iniisip ko na lang na siguro, nasanay akong palagi siyang kasama, palagi siyang kausap, at palagi siyang iniisip noon. Kaso noon 'yun. Iba 'yung noon kaysa ngayon. Noon, hindi pa ako namumulat sa katotohonang manloloko siya. Ngayon, alam ko na lahat. Dilat na dilat ang mata ko sa mga katarantaduh*n niya. Siguro nag-aadjust lang ako, dahil aaminin ko, talagang nasanay na ako ng anjan siya parati. Pero kagaya ng sabi ko, iba na ngayon.




Isa pa, hinding hindi ko na ulit hahayaang manaig 'yung emosyon ko dahil itong puso kong ito, ito ang papatay sa'kin. Palagi na lang akong dinadala nito sa isang sitwasyong ako rin ang talo sa huli. Ano? Hindi pa ako matututo? Hindi ako masokista para lang sa kaalaman ng iba. Nasasaktan ako. Hindi ako manhid. At walang taong gustong nasasaktan. Lalo na kung hindi naman worth it 'yung sakit na tinatanggap nila.

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon