Last Words

4.8K 147 63
                                    



Hi!




Bago ko i-post 'yung kahuli-hulihan kong isusulat tungkol kay Gray at Reggo, gusto ko lang sana munang magpasalamat at siyempre, i-clarify na rin lahat na dapat i-clarify.




First, gusto kong magpasalamat siyempre sa mga readers ko na walang sawang nag-aabang ng update ko. Kahit masabaw, kahit boring, kahit mema, nanjan pa rin sila.




Second, sa mga masusugid kong taga-basa na nag-cocomment, nagvovote. 'Yung mga comment niyo talaga ang inaabangan ko every chapter. Everyday, magchecheck ako ng notifs ko at excited akong buksan 'yun whenever makita ko na may nag-comment. Salamat. Isa kayo sa dahilan kung bakit ko natapos 'tong story na 'to.




Third, sa mga silent readers. Umm. Wala naman. Thank you pa rin. Pero baka naman pwede na kayong mag-comment since last chapter na 'yung kasunod? HAHAHA.




Fourth, sa mga nagsabi na circular na 'yung takbo ng story, na boring, nakakainip ng basahin. Thank you. No hard feelings. Pero kayo 'yung naging motivation ko kung bakit ko tinapos 'tong story na 'to. Gusto kong patunayan sa inyo na mali kayo. Don't get me wrong, hindi ako galit sa inyo. It's just that, kailangan ko 'tong sabihin kasi sobrang laki ng parte niyo kung bakit ko tinapos 'to kasi there comes a time, na habang sinusulat ko 'tong story na 'to, naisip kong 'wag nang tapusin. Pero dahil nga sa inyo, nagkaroon ako ng dahilan para tapusin 'to. Salamat.




Pasensya na kayo sa maraming grammatical errors ko. Pangalawang story ko pa lang naman 'to kaya hayaan niyo muna sana akong matuto sa bawat pagkakamali ko. Sa mga loopholes, sa lahat ng errors ko, pag-pasensyahan niyo na :)




SIYEMPRE sa lahat ng sumama simula Brothers in Disguise hanggang Hello, Stranger, salamat! Sa mga nakitawa, nakiiyak, nakisampal, nakigalit kasama ng mga fictional characters ko, salamat. Nakaka-overwhelm kasi pati sa twitter nakikita kong pinag-uusapan sila. Sad to say na dito na talaga matatapos ang story nila. 'Yung susunod na chapter na ang kahuli-hulihang chapter na mababasa niyo about kay Reggo at Gray. Kailangan ng isara 'yung libro nila dahil kalabisan na siguro kung hanggang sa kamatayan nila ay ikekwento pa. Nakakatawa, pero mamimiss ko rin sila. :D So ayun, wala talagang book 3! HAHAHA.




Gusto ko sanang malaman 'yung thoughts niyo, 'yung mga nasa isip niyo habang kasama sila sa paghahanap ng love story nila. Gusto ko lang malaman. Paki-comment po. Since matatapos na naman, 'wag niyo na sanang katamaran 'yung munting request ko. Kahit ano lang naman. 'Yung masasabi niyo sa story, sa characters ko. Kasi after this, wala na. Wala na sila. So yeah, kaunting hintay pa 'yung update. Siguro baka mapadali ang pag-post ko kung matutuwa ako sa mga mababasa ko. HAHAHA. 'Yun lang.



Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon