Chapter XLIV

4.5K 166 28
                                    


A/n: Na-realize kong malapit na pala talaga 'tong matapos. Kahit 'di ko siya paikliin, talagang malapit na siyang matapos. Ayun lang. Tsaka masaya ako dun sa number of comments na natanggap ko dun sa last chapter. Nabalik na kahit papaano 'yung confidence kong magsulat ulit. Thank you.








*Reggo









Wala 'yung professor namin para sa isa sa mga major namin, nasa board meeting daw, kaya naman napaagap 'yung uwi namin. Considering na almost three hours 'yung consumed time ng subject na 'yun, talagang maagap 'yung uwian namin. Dahil wala pa nga kami sa mood umuwi, nagdecide kami na pumunta muna cafeteria.




Ako at si Jed ang parating magkasama. Siyempre, kahit naman sabihin natin na sinaktan niya 'yung isa sa mga kaibigan ko, hindi naman sapat na rason 'yun para talikuran at itapon ko na lang 'yung pinagsamahan namin. Isa pa, sa nakikita ko, mukhang hirap na hirap na siyang makita si Jam na kausap parati 'yung manliligaw niya. Parati na rin kasing sumasama sa amin 'yon eh. Habang si Trey at Miko, sakto lang naman sila.




Sa Cafeteria...




Wala namang naging problema. Kaunti lang ang tao. Siguro dahil na rin sa hindi pa naman talaga break time at karamihan ng estudyante't mga teacher eh nasa kani-kanilang klase pa.




Sa iisang table lang kami umupo. Bali kami ni Jed ang magkatabi. Nasa harap namin ay 'yung dalawa ni Trey at Miko. Nasa tabi ko si Jam at kaharap niya sa table 'yung manliligaw niyang hindi ko na maalala 'yung pangalan. Kung itatanong niyo kung bakit hindi kami kumpleto, ipinatawag daw kasi si err... Gray, na naman, nung chairperson nila. Aaminin ko, naiisip ko pa din siya. At lalong hindi ko idedeny na mahal ko pa rin siya. Kaso hindi lang naman sapat na nagmamahalan kayo. Hindi lahat ng nagmamahalan ay nagkakatuluyan. Siguro ito na rin 'yung way ng pagsasabi sa akin ni God na tama lang na hindi ko siya sinagot kaagad. Siya na mismo 'yung gumawa ng paraan para maiiwas ako sa mga masasakit na mangyayari kung sakaling naging kami nga. Looking at the brighter side, thankful pa rin ako.





"Reggo, talaga bang wala kang balak pakinggan si Gray? Alam mo na... baka lang may explanation pala lahat ng nangyari. Baka hindi lang kayo nagkakaintindihan." umpisa ni Trey





Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon