Chapter XXII

8K 223 46
                                    

Note: Laaa. Hindi ko po alam kung paano ko sisimulan 'tong chapter na 'to. Parang medyo nawawalan na din ako ng gana. Ewan ko kung bakit. Siguro tatapusin ko na lang muna 'tong story na 'to. 

* Reggo

Nilinaw ko na lahat sa sarili ko. Talagang itinanim ko na sa isip at puso ko na si Nixon na lang talaga 'yung lalaking paglalaanan ko ng atensyon ko. Mahirap. Oo. Dahil ako mismo, hindi ko alam kung bakit ako nahihirapang ibigay ng buo sa kanya 'yung sarili ko. 

Ang tagal na nito. Ang tagal ng paulit-ulit at paikot-ikot nitong issue na 'to sa utak ko pero hanggang ngayon, bigo pa rin akong makakuha ng sagot. O baka naman, alam ko naman talaga 'yung sagot. Hindi ko lang talaga gustong tanggapin na 'yun 'yung sagot. 

Matapos naming magbati pagkatapos ng away naming 'yun, hindi na kami nag-away. I mean, hindi na kami nag-away to the point na paabutin pa namin ng halos isang linggo. Nag-aaway pa rin kami pero after a minute, magbabati rin kami. Nakakatuwa lang. Sinisimulan ko na rin 'yung pangako ko sa sarili ko na siya na lang talaga. Nagiging madaya na kasi ako. Isa pa, sabi nga nila, hindi dahil tinapik ka ng nakaraan mo at nilingon mo ito, hindi ibig sabihin mananatili ka na lang doon parati. Hindi masayang tambayan ang past. Kaya nga past na eh, natapos na at may dahilan kaya ito natapos. Maaring alam natin 'yung dahilan o hindi. Pero either way, hindi pa rin naman natin maiintindihan. Ganyan kamisteryoso ang buhay.

Hindi naglaon ay may narinig akong tunog ng kotse na pumarada malapit sa bahay namin. Napatayo naman ako sa kinauupuan ko. Ito na, andito na 'yung hinihintay ko. Agad akong lumapit sa salamin at ng masigurado kong maayos at kaiga-igaya na 'yung hitsura ko, humarap ako sa gawi kung nasaan ang pintuan.

Doon ko siya nakita. Halos mapako 'yung mata ko sa kanya ngayong gabi. Hindi naman sa sinasabi kong ngayong gabi lang siya nagmukhang tao, pero mas lalong gumwapo 'yung Bae ko ngayong gabi. 'Yung maroon niyang tuxedo at pants, bumagay sa kanya. 'Yung style ng buhok niya, swabeng swabe lang talaga. 'Yung pabango niya na umaabong buong bahay, mas lalong nakakainlove. Isama mo pa 'yung ngiti niyang hindi matatawaran. Kahit sino yata magpapakamatay maging dahilan lang ng pagngiti niya eh. 

" Tapos mo na akong titigan? " minsan talaga may pagka-conceited din 'tong taong 'to eh. Pasalamat siya, gwapo siya. 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon